Connect with us

Showbiz

Kiray Celis, sinorpresa ang kaniyang ama ng isang literal na money cake na nagkakahalaga ng Php62,000 para sa 62 birthday nito!

Published

on

Si Johanna Ismael Celis ay mas nakilala natin bilang si Kiray Celis. Siya ay 25 taong gulang na aktres, komedyante at entreprenyur. Siya ang founder ng “Chicks and Fins”.

Photo credit: Kiraycelis instagram

Hindi natin siya napapanuod ngayon madalas sa mga pelikula o teleserye dahil sa abala din siya sa pagbo-vlogging. Kamakailan lamang ay ipinasilip niya sa kaniyang mga tagahanga kung paano nila ipinagdiwang ng kaniyang pamilya ang kaarawan ng kaniyang ama.

Sa kaniyang latest vlog ay sinorpresa niya ito ngunit prinank din niya sa pamamagitan ng mga cakes na inihanda nila para sa kaniyang daddy. Para sa araw na iyon ay nakatanggap ng tatlong mga cake ang ama ni Kiray.

Photo credit: Kiraycelis instagram

Una na ang isang birthday cake na mayroong birthday greeting sa loob, “Happy Peanuts” naman ang lamang ng ikalawang cake. Tinanong ni Kiray kung anong nararamdaman ng ama nang makatanggap ng ganitong sorpresa, “nakakatuwa na hindi” lamang ang sagot ng kaniyang ama.

Para sa huling sorpresa niya ay inilabas na niya ang literal na money cake para sa kaniyang ama. Mayroon kasi itong Php62,000 na halaga ng pera.

Photo credit: Kiraycelis instagram

Masayang masaya naman ang ama ni Kiray sa natanggap na regalo mula sa komedyante. Samantala, minsan na ring ibinahagi ni Kira y ang pagsorpresa niya noon para sa kaniyang ina.

Bumili siya ng lechon at mayroon din siyang inihandang mga lobo na naglalaman ng Php56,000 para sa 56th birthday ng kaniyang mahal na ina. Tunay nga na napakabait at mapagmahal ni Kiray sa kaniyang mga magulang.

Photo credit: Kiraycelis instagram

Isang napakagandang inspirasyon para sa maraming mga kabataan na kahit papaano ay pasayahin ang kanilang mga magulang sa abot ng kanilang makakaya. Marami sa atin ang napalaki ng maayos ng ating mga magulang kung kaya naman napakalaking bagay na talaga ang maaalala natin sila at sorpresahin paminsan-minsan.

Tulad na lamang ng ginagawang pagsorpresa ni Kiray para sa kaniyang mga magulang, pinapakita niyang punong-puno siya ng pag-ibig para sa kaniyang mga magulang. Talaga namang mapapa-sana all ka na lang, hindi ba?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media