Connect with us

Showbiz

Kilalanin ang mga makikisig at gwapong personalidad sa Pilipinas na bahagi ng LGBTQ community!

Published

on

Narito ang ilan sa mga kilalang personalidad sa Pilipinas na kabilang sa LGBTQ community:

Paolo Ballesteros


Ang 38 taong gulang na si Paolo Elito Macapagal Ballesteros IV o mas nakilala natin bilang si Paolo Ballesteros ay isang sikat na aktor, komedyante, host, modelo, make-up artist, at impersonator. Taong 2001 pa lamang ay isa na siya sa mga co-host ng “Eat Bulaga!” Kahit pa nga umamin na siya sa tunay niyang pagkatao noon ay marami pa rin ang labis na humanga sa kaniya dahil hindi ito naging basehan ng pagiging mabuti niyang ama sa anak niyang si Keira Claire Ballesteros na 12 taong gulang na ngayon.

Sinon Loresca


Si Sinon Loresca ay binansagang “King of the Catwalk” dahil sa pambihirang husay niya sa pagdadala ng kaniyang mga nakakalulang heels! Siya ay isang mahusay na aktor at modelo. Nang minsan siyang bumisita sa Myanmar ay talagang namangha siya sa angking ganda nito kung kaya naman mula noon ay nag-volunteer na siya rito.

Boobay


Si Boobay o si Norman Balbuena naman ay 34 na taong gulang na aktor, komedyante, at host. Madalas siyang makitang nakasuot ng mga wigs at costumes ngunit kapag wala siya sa trabaho ay simple lang din siyang manumit sa kaniyang tahanan kasama ang kaniyang partner na si Ken Resquir.

Prince Stefan


Si Prince Stefan naman o si Stephan Andrei Anlocotan sa tunay na buhay ay 32 taong gulang na aktor at modelo. Nagulat rin ang marami sa kaniyang mga tagahanga ng umamin siya sa kaniyang tunay na kasarian.

Fifth Solomon


Si Fifth Solomon naman na kapatid ng aktres at komedyanteng si Chariz Solomon ay umamin din sa pagiging bisexual niya noong siya ay sumali sa isang reality show sa ABS-CBN. Mas lalo siyang minahal at tinanggap ng kaniyang mga fans lalo na ng kaniyang pamilya.

Sebastian Castro


Si Sebastian Castro ay isang Peruvian-Asian American celebrity. Kilala siya bilang isang internet celebrity dahil sa kaniyang mga gay-themed music videos.

BJ Pascual


Isa si BJ Pascual sa pinakasikat na photographer sa bansa. Marami na siyang nagawang mga magazine covers, mga high profile advertising campaigns, at maging ang “Asia’s Next Top Model” ay isa rin sa kaniyang mga naging proyekto.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media