Connect with us

Showbiz

Jeric Raval, inamin na habulin talaga siya ng babae noon kung kaya naman nagkaroon siya ng 18 mga anak sa 6 na mga babaeng nakarelasyon niya!

Published

on

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang magkaroon ng matinding paghanga sa mga iniidolo nating artista. Hindi lamang dahil sa sikat silang mga personalidad kundi dahil mayroon din silang mga katangian na talagang gustong-gusto natin.


Isa na marahil sa mga artistang labis nating hinangaan at patuloy pa rin nating hinahangaan sa ngayon ang action star na si Jeric Raval. Si Jeric Raval o si Ricardo Buensuceso sa tunay na buhay isa sa mga naging sikat na aktor noong dekada ’90.

Ang kaniyang mga nakasabayang aktor noon ay sina Zoren Legaspi at Raymart Santiago. Sa kaniyang naging karera ay talaga namang minahal niya ang pagiging isang action star.
Madalas pa nga daw ay naikukumpara siya noon sa sikat na action star na si Robin Padilla. Aminado naman si Jeric na noong kaniyang kabataan ay talagang naging habulin siya ng mga kababaihan.


Dahil mga dito ay nagkaroon siya ng 18 anak sa 6 na babae na nakarelasyon niya. Inamin din niya sa naging panayam sa kaniya noon ng programang “Tunay na Buhay” na bago pa man siya maging isang artista ay mayroon na siyang asawa.


Siya ay walang iba kundi si Holiday. Kababata daw niya ito at kalaunan ay nagkapalagayan sila ng loob.

Sa halos 30 taong pagsasama nila ay talaga namang bumilib siya sa kaniyang asawa dahil sa natanggap siya nito ng buong buo. Nagkaroon man siya ng maraming anak sa mga babaeng nakarelasyon niya noon ay hindi ito naging dahilan upang kasuklaman siya ng kaniyang asawa at ng kaniyang mga anak.


Maaari daw niyang sabihin na martir talaga ang kaniyang asawa dahil sa kabila ng kaniyang mga nagawa at nanatili pa rin itong mapagmahal at maunawain. Kung kaya naman laking pasasalamat din ng aktor sa kaniyang minamahal na asawa na itinuturing niyang “trophy” ng kaniyang buhay.


Talaga namang napakapalad ni Jeric dahil sa kaniyang mapagmahal at maunawaing pamilya. Sa ngayon ay unti-unti nang nakilala sa showbiz ang kaniyang anak na babae na si AJ Raval.

Anak niya si AJ sa dating aktres na si Alyssa Alvarez.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media