Connect with us

Viral

Isang sundalong nasawi matapos bumagsak ng sinasakyang C-130 aircraft tila nagpahiwatig sa kaniyang mag-ina ang kaniyang mga huling sandali!

Published

on

Napakasakit at talagang hindi madali ang mamatayan ng mahal sa buhay. Marami sa ating mga Pilipino ang malapit sa ating mga kapamilya at kamag-anak kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka kung gaano katindi ang pagdadalamhati at pighati na ating nararanasan sa oras na masawi ang kahit isa lamang sa ating mga mahal sa buhay.

Kamakailan lamang ay ikinagulat ng publiko ang pagkakasawi ng mga sundalong lulan ng military aircraft na C-130 Hercules. Ayon sa nauna nang ulat ng “24 Oras” sa GMA network ay mayroong tail number na 5125 qy ang naturang aircraft na lumipad paalis ng Lumbia Airport sa Cagayan de Oro City.

Dapat sana ay sa Jolo port sa Sulu ito maglalanding ngunit napabalitaan bumagsak ito ng 11:30 ng umaga. Ayon din sa ilang mga ulat, ang C-130 ay mayroong lulan na 96 na mga pasahero.


Sa loob halos ng 30 taon ay ito na yata ang isa sa pinakamasaklap at pinakamasalimuot na trahedya sa hanay ng ating kasundaluhan. Hindi hihigit sa 45 mga sundalo ang nasawi habang mayroon namang ilang tumalon sa papabagsak na military aircraft.

Mayroong iilang nawawala pa rin hanggang sa ngayon habang 49 na mga “survivors” ang ginagamot pa rin sa ospital. Ang grupo ng mga sundalo mula sa Cagayan de Oro ay lalapag sana sa Jolo, Sulu at nadestino roon upang labanan ang terorismo doon.

“A number of soldiers were seen jumping out of the aircraft before it hit the ground, sparing them from the explosion caused by the crash,” pahayag ng “Joint Task Force Sulu”.

“It missed the runway trying to regain power”. Ito naman ang naging pahayag ni Military chief Cirilito Sobejana.

Isa na sa mga sundalong nasawi rito ay si CPL Carol Dapanas Jr. Ibinahagi pa ng kaniyang asawa na si Mabel Dapanas kung ano ang naging huling pag-uusap nilang mag-asawa. Wala daw itong tigil sa pagsasabing mahal na mahal niya siya at ang kanilang anak.

Ilang minuto pa ang lumipas at hindi na raw makausap pa at makontak ni Mabel ang kaniyang mister. Labis ang pagdadalamhati ni Mabel at ng marami pang mga pamilya ng mga sundalong ito na hindi inaasahang nasawi dahil sa naturang aksidente.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media