Connect with us

Viral

Isang sekyu, nagsilbing guro sa mga batang kalye na hindi marunong bumasa at sumulat!

Published

on

Karapatan ng bawat isa sa atin ang magkaroon ng maayos na edukasyon. Kahit mahihirap na mga Pilipino ay nagkakaroon pa rin ng pagkakataon na makapasok sa paaralan ng libre kung saan doon ay matututo silang magbasa at magsulat.

Sa kasamaang palad ay marami din sa mga kabataan natin ngayon ang hindi na nagkakaroon pa ng oportunidad ng mag-aral at matuto. Marahil ay dahil sa labis na kahirapan o di kaya naman ay problema pagdating sa pamilya.

Nakakalungkot talaga ang katotohanan na ito ngunit ito na ang madalas na mangyari ngayon sa ating bayan. Buti na lamang at sa kabila ng maraming mga hindi magagandang pangyayari sa ngayon ay mayroon pa ring mga magagandang balita na nagsisilbing aral at inpirasyon sa atin.

Tulad na lamang halimbawa ng isang security guard na ito ng isang kilalang branch ng Pawnshop na walang pag-aatubiling tumutulong sa mga batang kalye. Kung marami sa atin ang madalas na nanghihinayang sa kinabukasan at sa buhay ng mga batang kalye na ito, gumawa mismo ng paraan ang sekyu upang kahit papaano ay maging instrumento siya sa pagkatuto ng mga kabataang ito.


Ang netizen na si John Robert Flores ang mismong kumuha ng mga larawang ito at siya niyang ibinahagi sa social media. Para namang mga netizens ang agad na namangha at bumilib sa ginawang ito ng security guard.

Kahit pa nga hindi madali ang kaniyang trabaho ay ninais pa rin niyang turuan ang mga batang ito na sumulat at bumasa. Ayon pa sa komento ng ilang mga netizens, kung saan ay mas maraming mga tao tulad ng sekyu na ito ang tutulong sa kanilang kapwa ng walang hinihintay na kapalit ay tiyak na mas uunlad ang ating mga buhay.


Kahit papaano naman ay mayroon pa rin palang pag-asa ang bawat isa sa atin lalo na kung hindi tayo magiging makasarili at madamot. Maaaring wala tayong malaking halaga ng pera sa ngayon ngunit marami tayong maaaring gawin upang makatulong sa ating kapwa, makapagdulot ng magandang pagbabago at magsilbing inspirasyon sa nakararami.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media