Connect with us

Viral

Isang matandang lolo na 78-anyos na nagtitinda pa rin ng mangga mula Antipolo hanggang Pasig sa halagang bente pesos lamang!

Published

on

Napakahirap magkaroon ng pagkakakitaan sa panahon ngayon. Panahon kasi ng pandemya kung kaya naman maraming mga negosyo at mga manggagawang naapektuhan.

Marahil ay malapit nang malugi ang mga negosyong ito o di kaya naman ay nalugi na ng tuluyan kung kaya naman kinailangan na talaga nilang magtanggal ng ilang mga tauhan. Dahil sa lumalalang sitwasyon natin dahil sa pandemya ay marami ang nawalan ng trabaho.

Ngunit sa kabila ng mga bantang ito ay nanatili pa ring positibo ang 78-anyos na matandang ito. Sa kabila ng kaniyang katandaan ay talagang nagagawa pa rin niyang maglakad at maglako ng mga paninda na niyang “Indian mango”, maibenta lamang ang mga ito.


Naantig ang maraming mga netizens nang malaman na ang matandang lalaking ito ay naglalako pala ng kaniyang paninda upang mayroon siyang pambili ng pagkain at mga gamot. Ibinahagi naman ni Denso Tambyahero sa kaniyang social media account ang mahirap na kalagayan na ito ng matandang lalaki.

Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 1.5 milyong views ang kaniyang video. Ibinahagi din ng masipag na matandang lalaki na ang kaniyang mga panindang mangga ay matatamis at sa halagang bente pesos ay talaga namang marami ka nang makakain.

Nanggaling pa raw siya sa Antipolo ata maging sa Pasig, mailako lamang ang mga ito. Nang tanunging ang matanda kung bakit sobrang mura ng kaniyang presyo ay agad nitong sinabi na hindi na baleng malugi siya basta ang importante ay maibenta niya kaagad ang mga ito.

Ang matandang lalaki na ito ay nakilala bilang si Kris Palinis. Siya pala ay nag-iisa na lamang sa buhay dahil sa iniwanan na siya ng kaniyang asawa.

Ito ay dahil sa mahina na raw ang kaniyang pangangatawan kung kaya naman inabandona na siya nito. Labis namang natuwa ang matanda ng tulungan siya ni Denso, inabutan siya nito ng Php3,000 at inihatid pa siya nito sa sakayan pauwi sa kaniyang tahanan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media