Connect with us

Viral

Isang ginang na walang arteng nagpadede sa sanggol ng isang pulubi, labis na hinahangaan ngayon ng publiko!

Published

on

Isang napakagandang biyaya mula sa Diyos ang ating mga anak. Kung kaya naman talagang sinisikap ng mga magulang na ibigay ang lahat para sa kanila.

Kahit pa nga mahirap at maraming mga pagsubok ay talagang kinakaya para lamang sa kanilang mga anak. Sa kasamaang-palad ay maraming mga magulang ang walang kakayanan na maibigay ang lahat para sa kanilang mga anak.

Halimbawa na lamang ay ang mga magulang na naninirahan sa lansangan. Maging ang kanilang mga anak ay lumaki na rin sa lugar na hindi ligtas para sa mga bata.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang nakakabilib na ginawa ng isang ginang na ito para sa anak ng isang pulubi. Ayon sa ibinahaging kwento ng netizen na nakilala bilang si Argel o Argel’s Shoppee Rtw ay namataan niya ang isang sitwasyon sa labas ng isang kilalang establisyemento.


Dito ay nag-alala siya nang makita ang isang pulubing may karga sa isang sanggol na walang tigil ang pag-iyak. Sinubukan ng ina na padedehin ang kaniyang anak ngunit wala itong makuhang gatas mula sa kaniya.

Walang magawa ang ina kundi pagmasdan na lamang ang kaniyang sanggol na kumakalam ang sikmura sa labis na gutom. Maya-maya pa ay agad nang sumaklolo ang isang ginang na nakasuot ng putting damit.

Inakala pa nga ni Argel na magbibigay ito ng pera o kaunting tulong para sa mag-ina. Laking gulat na lamang niya at ng mga tao sa kanilang paligid nang padedehin nito ang anak ng pulubi.

Hindi nagdalawang-isip at walang kaarte-arte ang ginang na ito. Marahil ay isa rin kasi siyang ina kung kaya naman batid niya ang hirap na pinagdaraanan ng pulubi.

Marami naman ang bumilib at humanga sa ginawang ito ng ginang. Hindi kasi lahat ng tao ay magagawang tumulong sa ganitong pamamaraan sa mga taong nakatira sa lansangan lalo na ngayon na panahon pa rin ng pandemya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media