Connect with us

Showbiz

Herlene Budol a.k.a. “Hipon Girl” inamin na talagang humaharap ngayon sa pagsubok dulot ng pandemya ngunit nananatiling positibo at matatag!

Published

on

Hindi madali ang maging isang “breadwinner” ng pamilya. Talaga namang haharap ka sa maraming mga pagsubok at pagsasakripisyo.

Natural na lamang sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng mga ganitong klaseng sitwasyon. Mahirap, ngunit palaging kinakaya ng mga masisipag nating “breadwinner”.

Kamakailan lamang ay marami ang naantig sa kwento ni Herlene Budol a.k.a. “Hipon Girl” nang maging guest siya ng batikang host at aktres na si Toni Gonzaga sa kaniyang YouTube channel. Sa simula kasi ng kanilang pag-uusap ay talaga namang makikita pa ang masayahin na si Herlene ngunit nang napag-usapan na ang kaniyang pamilya at ang pinagdaraanan nila ngayon ay talagang hindi na niya napigilan pang maiyak nang husto.


Ayon sa naging kwento ng 21 taong gulang na si Herlene ay laking lolo at lola talaga siya buhat nang magkahiwalay ang kaniyang mga magulang. Wala naman siyang sama ng loob sa kaniyang mga magulang dahil sa napalaki naman siya ng maayos ng kaniyang lolo at lola.

Ang kaniyang ina din ang humikayat sa kaniya na pasukin ang mundo ng beauty pageant. Title holder kasi ang kaniyang ate kung kaya naman sinabi ng kaniyang ina na dapat din niyang tularan nito.

Minsan na ding sumali ang ate niya sa programa ni Kuya Wil noon sa TV5 kung kaya naman sinubukan din niya kung papasa siya sa programa ni Kuya Wil ngayon na “Wowowin” sa GMA network. Bagamat aminado siyang hindi siya kasing ganda ng ibang mga contestant ay talagang nagamit niya ang pagiging biba niya.

Dalawang araw ang nakalipas ay muli siyang tinawagan upang maging guest sa naturang programa. Dito na nagsimula ang kaniyang kasikatan.

Sa kasamaang -palad, dahil sa pandemya ay wala na siyang ibang raket at mapagkakakitaan ngayon maliban sa kaniyang naipundar na boutique, munting sari-sari store, at ang kaniyang YouTube channel. Dahil sa pagiging matatag, positibo at mapagmahal niyang apo ay sa kaniya mapupunta ang lahat ng kikitain ng vlog na ito ni Toni Gonzaga.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media