Connect with us

Viral

Groom, ibinahagi ang throwback photo nilang mag-asawa kung saan ikinasal sila sa marriage booth noong sila ay nasa hayskul pa lamang!

Published

on

Isa na marahil sa mga hindi malilimutang alaala natin ng ating kabataan ay ang ating mga naging karanasan noon sa hayskul. Sabi nga ng mga nakakatanda, hindi matatawaran ang mga aral na ating natutunan noon bilang isang highschool student.

Ito na rin kasi ang panahon kung saan mas nagiging responsable tayo at mas namumulat sa maraming mga bagay bagay. Hindi rin naman mawawala ang mga nakakakilig na istorya pagdating sa ating buhay highschool.

Isa na marahil sa pinakanakakakilig na kwentong hayskul na ating malalaan ay ang kwento ng netizen na si Roderick Palino Samodio. Ayon sa kaniyang social media post, kung noon ay sa “marriage booth” lamang sila ikinasal, ngayon ay ganap na silang mag-asawa ng kaniyang bride.

“Pinilit ko lang magpakasal sa marriage booth NOON, asawa ko na NGAYON,” Caption ni Roderick sa kaniyang post.
Kasama niya ang kaniyang misis na ngayon na si Jean Aubrey Samodio. Sinong mag-aakala na makalipas lamang ang 11 taon ay ikakasal ng totoo ang dalawa?

Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 14,000 na mga reactions at higit sa 23, 000 shares ang post ni Roderick. Hindi rin naman maawat ang maraming mga netizens sa kanilang mga komento at kilig stories na ibinahagi rin nila sa comment section ng naturang post.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“Pang MMK!” Maiksing komento ng isang netizen.

“Pag suki ka sa marriage booth, alam na this.” Pahayag naman ng isa pa.

“Hinahanap ko na po yung lagi akong kinukuha sa booth.” Panawagan naman ng isa pang netizen.

“Yun lagi nanghuhuli sakin sa jail booth dati. Kung asan ka man, kasalanan mo pag hindi ako nakasal.” Medyo mayroong pagbabanta na pahayag ng isa pang netizen.

“Yung sakin legit ‘to, ex-boyfriend ko kinasal kami sa ganyan marriage booth with singsing pa yun HAHAHA highs chool kami pero ayun sa iba kinasal ngayon.” Masakit na pasaring naman ng isa pang netizen.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media