Connect with us

Showbiz

Donita Rose, simpleng namumuhay ngayon sa Amerika matapos iwanan ang kaniyang karera sa showbiz dito sa Pinas!

Published

on

Si Donita Rose Cavett o mas nakilala natin bilang si Donita Rose ay 46 na taong gulang na aktres, host at dating MTV Asia VJ. Talaga namang marami ang humanga sa kaniya dahil sa angkin niyang mga talento.

Hindi na rin nakapagtataka na nakilala siya kaagad sa showbiz. Sa ngayon ay hindi na natin siya madalas mapanuod sa mga pelikula o programa sa telebisyon dahil sa nagdesisyon na siyang manirahan sa Amerika.

Ayon sa ilang mga ulat, nasa Amerika talaga ang kaniyang pamilya ngunit kinailangan niyang manatili dito sa Pinas dahil sa mayroon siyang trabaho dito. Ngunit dahil sa pandemya ay labis na naapektuhan ang kaniyang karera kung kaya naman ninais na rin niyang bumalik sa Amerika upang makapiling ang kaniyang buong pamilya taong 2020.

Maaalalang nagkakilala si Donita at si Eric Villarama sa Pampanga. Agad naman silang nagkapalagayan ng loob kung kaya nauwi rin sa kasalan ang kanilang pagtitinginan noong taong 2003.
Isang taon ang nakalipas at nabiyayaan ng isang anak na lalaki ang mag-asawa. Pinangalanan nila siyang John Paul.

Ngunit sa kasamaang-palad ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama nang maghiwalay sila taong 2015 at tuluyan nang napawalang-bisa ang kanilang kasal ng sumunod ding taon. Sa kabila ng mga pinagdaanan na ito ni Donita ay nanatili pa rin siyang matatag para sa kaniyang anak.

Single mom din kasi siya kung kaya kailangan niya talagang magdoble-kayod. Sa ngayon ay isa siyang corporate chef sa isang malaking kompanya sa Amerika na “Island Pacific”.

Ito ay pagmamay-ari ng mister ni Krista Ranillo na si Nino Jefferson Lim. Tunay nga na hindi biro ang mga karanasang ito ni Donita ngunit sa halip na sumuko sa buhay ay talagang nagpakatatag siya para sa kaniyang pamilya.

Kahit pa nga halos lahat ng kaniyang mga ari-arian sa Pilipinas ay naibenta na niya, hindi pa rin niya sinasarado ang kaniyang pinto na balang-araw ay muli siyang babalik sa bansa na minsan na niyang minahal.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media