Connect with us

Viral

Delivery boy noon, nakapagpundar na ng sarili niyang sasakyan at bahay dahil sa kaniyang pagdodoble-kayod!

Published

on

Madalas tayong makarinig ng mga kasabihang “Daig ng maagap angmasipag.”, “Wala sa medalya o kurso ang tagumpay ng isang tao dahil nasa diskarte ito.”, “Kung maswerte ka sa buhay ay aasenso ka kahit hindi ka magsumikap ng husto.” Marahil ay magiging hati ang opinyon ng publiko patungkol sa mga kasabihang ito.

Dahil kaniya-kaniya rin naman tayo ng mga pagsubok na pinagdaraanan at mayroon din tayong sarili mga paraan kung paano mapagtatagumpayan ang mga suliranin na ating kinahaharap.

Kamakailan lamang ay naging isang inspirasyon ang lalaking ito sa maraming mga Pilipino dahil kung noon ay nangangarap lamang siyang magkaroon ng sarili niyang bahay, ngayon ay naisakatuparan na niya ito.

Talaga namang nakakabilib kung paanong ang isang delivery boy noon ay nagawang makapagpundar ngayon ng isang bahay at lupa at isang sasakyan. Ayon sa post ng netizen na si Jay Hernandez sa popular na Facebook group na “Home Buddies” ay walang masamang mangarap.

Ibinahagi din niya na noon ay tinatanaw lamang niya ang mga magagarang bahay sa isang kilalang subdibisyon at talagang nangako siya sa kaniyangsarili na magsusumikap siya ng husto upang balang araw ay makabili rin siya ng sarili niyang bahay rito. Nais niya ang lugar na iyon dahil sa talagang kitang-kita ang napakagandang tanawin ng bundok Makiling.

Hindi siya tumigil sa pagkayod dahil nangmagkaroon siya ng pagkakataon na mag-apply sa cruise ship ay hindi na siya nagdalawang-isip pa. Sa ngayon ay mayroon na siyang isangsasakyan at bahay at lupa kung saan sila titira ng magiging pamilya niya.

Maraming mga netizens ang bumati kay Jay dahil sa naging tagumpay niyang ito. Dahil dito ay mas maraming mga Pilipino din ang mas nabigyan pa ng inspirasyon upang magpatuloy sa kanilang mga pangarap.

Tunay nga na kung mayroon kang pangarap ay pagsumikapan mo ito ng husto, samahan mo ng panalangin at walang duda na makakamit mo ito sa takdang panahon.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media