Connect with us

Showbiz

Controversial couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson, magkatuwang na namahagi ng tulong sa Pundaquit Community sa Subic Zambales!

Published

on

Hindi pa rin nalilimutan ng maraming mga Pilipino ang kontrobersiyang kinaharap noon nina Gerald Anderson at Julia Barretto. Naging mainit na usapin kasi ang ginawa diumanong panloloko ni Gerald sa kasintahan niya noon na si Bea Alonzo.

Photo credit: Teamgeraldjulia instagram

“Ghosting” kung ilarawan ni Bea ng ginawa sa kaniyang ito ng aktor na talagang ikinagalit ng husto ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta. Hindi matanggap ng publiko na magagawang magloko ni Gerald kahit pa nga isang napakaganda at sikat na Bea Alonzo na ang kaniyang karelasyon noon.

Photo credit: Teamgeraldjulia instagram

Bago pa man ang pangyayaring ito ay madalas nang batuhin ng mga kontrobersiya si Gerald sa pagiging babaero diumano nito. Sa katunayan ay ilang mga aktres na din ang nakarelasyon nito habang marami din diumano ang pinaasa lamang nito ay iniwan na lamang basta nang walang pasabi.

“Paasa” at “babaero” kung ilarawan siya ng maraming mga netizens na galit na galit sa kaniya. Mula noon ay mas maraming mga netizens pa ang nang-bash sa aktor gayundin sa diumano ay dahilan ng kanilang paghihiwalayan na si Julia Barretto.

Photo credit: Teamgeraldjulia instagram

Ilang buwan pa lamang ang nakararaan nang isapubliko nina Gerald at Julia na sila nga ay magkasintahan na at masaya na sa piling ng isa’t-isa. Kahit pa nga walong taon ang tanda ng aktor kay Julia ay wala pa ring naging hadlang sa matamis nilang pagmamahalan.

Kamakailan lamang ay namataan pa nga ang dalawa na magkasamang namahagi ng tulong sa Pundaquit Community sa Subic Zambales! Kasama din ng magkasintahan ang ilang miyembro ng Philippine Coast Guard habang namamahagi sila ng mga relief goods sa mga taong nangangailangan sa gitna ng pandemya.

Photo credit: Teamgeraldjulia instagram

Maraming mga netizens din ang nakapuna ng pagkakawang-gawang ito ng magkasintahan. Mayroong iilan na pumuri at humanga sa kanilang ginawang pagtulong ngunit mayroon pa ding mga tao ang hindi natutuwa sa kanilang dalawa.

Ngunit sa kabila ng maraming mga negatibong komento at panghuhusga mula sa publiko ay nananatili pa ring matatag at positibo ang dalawa sa kanilang relasyon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media