Connect with us

Showbiz

Bunsong anak ni Bangs Garcia at Lloyd Birchmore na si Isabella, napaka-cute sa kaniyang mala-prinsesang photoshoot para sa kaniyang 1st birthday!

Published

on

Walang ibang nais ang mga magulang para sa kanilang mga anak kundi ang ikabubuti ng mga ito. Nais ng mga magulang na lumaki ng malusog at masaya ang kanilang mga anak.

Photo credit: valeriebangsgarcia instagram

Todo-suporta din ang mga magulang sa interes at mga pangarap ng kanilang mga anak. Hindi nga maitatanggi na masarap talaga magmahal ang ating mga magulang.

Ibibigay ang nais ng kanilang mga anak hanggang makakaya. Kamakailan lamang ay napansin ng maraming tagahanga ni Bangs Garcia ang espesyal na pagbati niya sa kaniyang bunsong anak na si Isabella.

Photo credit: valeriebangsgarcia instagram

Nagdiwang na kasi ito ng unang taon niyang kaarawan. Talaga namang napakabilis ng panahon at dalawa na ngayon ang anak nina Bangs Garcia at Lloyd Birchmore.

Maaalalang taong 2016 nang ikasal sila at nagdesisyon na nga si Bangs na iwanan ang mundo ng showbiz. Taong 2017 nang isilang ng aktres ang kanilang panganay na anak na si Amelia.

Photo credit: valeriebangsgarcia instagram

Tatlong naman ang lumipas at muling nagsilang ng baby girl si Bangs at pinangalanan nila itong Isabella. Hindi mapigilan ni Bangs ang maging emosyonal sa kaniyang pagbati para sa kaniyang anak.

Marami din namang mga netizens ang labis na-cute-an sa mga larawan ni Isabella kung saan siya ay mayroong suot suot na korona at kulay pink na dress. Tulad ng kaniyang ina ay talagang napakagandadin nina Amelia at Isabella.

Photo credit: valeriebangsgarcia instagram

Gwapo at makisig din naman ang kanilang ama na si Lloyd ngunit marami sa mga netizens ang nagsasabing mas kahawig ni Bangs ang kanilang mga anak. Tunay nga na hindi matatawaran ang pagmamahal at pagmamalasakit ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Photo credit: valeriebangsgarcia instagram

Tulad ng ginawang pagsasakripisyo ni Bangs para sa kaniyang pamilya, tuluyan na niyang iniwanan ang pag-arte. Gayun pa man ay marami pa din silang nagiging tagasuporta at tagahanga online.

Mayroon na din kasing YouTube channel ngayon si Bangs kung saan niya ibinabahagi ang pagiging isang ina at asawa niya at ang pagiging masaya nilang pamilya sa ibang sa bansa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media