Connect with us

Showbiz

Buboy Villar, isang responsableng ama sa gitna ng pandemya dahil sa patuloy pa rin niyang nasusuportahan ang kaniyang mga anak sa tulong ng kaniyang “paresan”

Published

on

Hindi lamang mga establisyemento at mga negosyo ang labis na naapektuhan ng pandemya. Dahil sa naging malaking dagok din ito para sa mga aktor, aktres at mga “performers” sa harap o likod man ng kamera.

Kahit pa nga naging napakabigat na hamon nito para sa mga artistang umaasa lamang sa kanilang mga proyekto ay naging dahilan din naman ito upang mas maging matatag sila at maging positibo sa buhay. Isa na marahil sa mga labis na naapektuhan ang aktor na si Buboy Villar. Si Robert “Buboy” Villar Jr. ay 23 taong gulang na aktor, komedyante at singer mula sa Quezon City.

Hindi na lingid sa publiko na mayroon na siyang dalawang anak sa dati niyang partner na si Angillyn Serrano Gorens. Sa kabila ng pandemya ay talagang nagagampanan pa rin niya ng husto ang kaniyang responsabilidad bilang ama sa kaniayang mga anak.

Ito ay dahil na rin sa kaniyang itinayo na “Paresan”. Katuwang niya ang kaniyang pamilya sa pagpapalakad ng negosyo nilang ito na talaga namang patok na patok sa maraming mga Pilipino.


Maliban sa kaniyang negosyo ay mayroon na rin siyang sarili niyang YouTube channel. Kahit papaano ay nabibigyan pa rin naman siya ng paunti-unting mga proyekto sa telebisyon ngunit hindi rin naman niya ito maaaring asahan ng tuluyan dahil sa panahon pa rin ng pandemya sa ngayon.

Ang kaniyang paresan ay tinawag niyang “Paresan ni Bok” na talaga namang tinatangkilik lalo na ng mga taong malapit sa kanila. Hindi rin naman niya nakalimutan na magpasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kaniyang munting negosyo.

Dahil sa kanilang suporta ay batid niyang mas marami pa siyang magagawa hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi lalo na para sa kaniyang mga anak. Tunay nga na gagawin ng isang magulang ang lahat para sa kaniyang mga anak, kahit pa mapagod o mahirapan siya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media