Connect with us

Viral

Batang lalaki na kinakailangan maghanap-buhay para buhayin at suportahan ang mga magulang na may sakit, umantig sa publiko!

Published

on

Masarap maging isang bata. Tiyak na maraming mga indibidwal ngayon ang nangangarap na maging bata silang muli.

Sabi nga ng mga matatanda, walang ibang problema ang mga bata kundi ang kanilang lalaruin sa buong araw. Kung gutom naman sila ay nariyan ang kanilang mga magulang upang bigyan sila ng makakain.

Kung pagod na ay napakadali na lang para sa kanila ang mamahinga at matulog. Tunay nga na wala pa silang masyadong obligasyon at problema sa buhay.

Napakasarap magingbata lalo na kung naririyan ang mga magulang na siyang susuporta at gagabay sa kanila. Ngunit hindi katulad ng maraming mga bata ay talagang hirap sa buhay si Manny.

Siya ay nakatira sa North Caloocan kasama ang kaniyang mga magulang. Ang kaniyang mga magulang ay mayroong kapansanan kung kaya naman siya na ang pumapasan ng obligasyon na buhayin ang munti nilang pamilya.

Sa murang edad ay kinailangan na niyang magkaroon ng dalawang trabaho upang kahit paano ay magkasya sa kanilang pagkain at panggamot ng kaniyang mga magulang. Tila ba walang kapaguran si Manny dahil sa umaga ay talagang naglalako siya ng mga walis, sponge, at iba pang mga gamit sa bahay.

Talagang nililibot niya ang bawat barangay para lamang makapagbenta siya ng kaniyang mga paninda. Pagsapit naman ng gabi ay nagtitinda naman siya ng balut. Bagamat hindi kalakihan ang kaniyang kinikita ay kahit papaano ay nakapagbibigay siya sa kaniyang mga magulang.

Baldado na kasi ang kaniyang ama habang mayroon namang TB ang kaniyang ina. Talaga namang maraming mga netizens ang bumilib kay Manny at dalangin din nilang sana ay mayroong mabubuting tao na tumulong sa bata.

Hindi biro ang kaniyang pinagdaraanan sa kaniyang kamusmusan. Tunay nga na marami sa atin ngayon ang tila nakakaligtaan nang magpasalamat sa maraming mga bagay na mayroon sila.

Lingid sa kanilang kaalaman ay maraming mga tao sa kanilang paligid ang mayroong mabigat na pinagdaraanan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media