Connect with us

Showbiz

Anak nina Judy Ann at Ryan Agoncillo na si Luna, kinagiliwan ng publiko dahil sa napaka-cute nitong weather report!

Published

on

Bago pa man matuklasan ng mga anak ang kanilang talento ay una na silang hinangaan at sinuportahan ng kanilang mga magulang. Ang mga magulang ang unang sumusuporta sa hilig at nais gawin ng kanilang mga anak.

Photo credit: Ryan Agoncillo instagram

Maging ang pangarap ng kanilang mga anak ay talagang sinusuportahan nila sa abot ng kanilang makakaya. Kamakailan lamang ay nasorpresa ang publiko dahil sa pagmamalas ni Luna ng kaniyang talento.

Sa video na ibinahagi ng kaniyang ama na si Ryan Agoncillo ay makikita kung gaano ka-cute at kung gaano kahusay ang limang taong gulang na anak nila ni Juday. May pagkakulit din si Luna sa kaniyang viral video dahil sa pakindat-kindat na kaniyang ginawa bago matapos ang kaniyang “weather report”.

Photo credit: Ryan Agoncillo instagram

Mayroon pang “change location” na naganap na talaga namang mas ikinatuwa pa ng maraming manunuod. Samantala, proud parents naman sina Ryan at Juday hindi lamang sa pambihirang talento na ito ni Luna kundi sa lahat ng tagumpay ng iba pa nilang mga anak na sina Yohan at Lucho.

Hindi na nakapagtataka na isa sina Ryan at Juday sa mga hinahangaang mag-asawa sa showbiz. Sa 12 taon nilang pagsasama ay talaga namang napatunayan na nila na maaari palang hindi magbago ang tamis ng pagmamahalan ng isang mag-asawa kahit gaano pa katagal ang kanilang pagsasama.

Photo credit: Ryan Agoncillo instagram

Sa ngayon ay mayroon na silang tatlong anak na nagsisilbing inspirasyon nila sa buhay. Maliban sa pagiging host ni Ryan at aktres naman ni Juday ay abala din sila sa kanilang mga negosyo at isa na nga rito ang kanilang restaurant na “Angrydobo”.

Photo credit: Ryan Agoncillo instagram

Hango ito sa nilutong adobo noon ni Juday para kay Ryan nang minsang magkagalit sila. Sa kabila ng pagsubok dulot ng pandemya sa kanilang mga negosyo ay nanatili pa rin silang positibo at sinisikap pa rin nilang makatulong sa kanilang mga empleyado sa abot ng kanilang makakaya kahit pa nga ang ibig sabihin nito ay kakaunting kita para sa kanila.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media