Connect with us

Showbiz

Anak ni Claudine Barretto na si Sabina, nagkaroon ng espesyal na BTS themed party para sa kaniyang ika-17 taong kaarawan!

Published

on

Si Claudine Margaret Castelo Barretto o mas sumikat sa kaniyang screen name na Claudine Barretto ay 42 taong gulang na aktres, product endorser, at entreprenyur. Isa siya sa pinakasikat na aktres ng kaniyang henerasyon.

Photo credit: Claudine Barretto instagram

Hindi na mabilang ang kaniyang mga nagawang pelikula at programa sa telebisyon. Lahat ng ito ay talagang tinangkilik ng publiko. Ang tambalan naman nila ng matinee idol na si Rico Yan ang isa sa pinakatumatak na love teams sa industriya ng showbiz sa bansa.

Ngunit sa kasamaang palad ay pumanaw nang hindi inaasahan ang kaniyang nobyo nang magbakasyon sila noon sa isang resort sa Palawan taong 2002. Apat na taon ang lumipas at muling tumibok ang puso ng aktres sa aktor na si Raymart Santiago.

Photo credit: Claudine Barretto instagram

Ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon. Taong 2013 nang mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Ang kanilang relasyon ay nabiyaan naman ng dalawang supling. Si Sabina na adopted daughter ni Claudine at si Santino na anak nila ni Raymart.

Photo credit: Claudine Barretto instagram

Kamakailan lamang ay nagdiwang ng ika-17 taon niyang kaarawan si Sabina o Sab at talaga namang marami ang namangha sa kaniyang “BTS themed party”. Hindi maipagkakailang idolo talaga ni Sab ang South Korean boy band na BTS o “Bangtan Boys”.

Photo credit: Claudine Barretto instagram

Talaga namang masayang masaya si Sab sa naging espesyal na selebrasyon ng kaniyang kaarawan. Kasama ang kaniyang mga kaibigan at mahal sa buhay. Marami din namang mga netizens ang nakapansin sa kasamang binata ni Sab sa isa sa kaniyang mga larawan.

Noong una ay inakala lamang nilang si Santino ito ngunit ito pala ay ang kaniyang nobyo. Kinumpirma mismo ito ng kaniyang ina na si Claudine sa kaniyang IG post na nobyo nga ito ng kaniyang anak dahil hindi talaga gusto ni Santino ang nagpapakuha ng litrato.

Photo credit: Claudine Barretto instagram

Ang kasama ni Sab sa kaniyang larawan ay walang iba kundi si Raffy Antonio. Marami ang nagulat dahil dito ngunit nilinaw naman ni Claudine na pinayagan na niya ang kaniyang anak at wala rin naman siyang nakikitang masama dito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media