Connect with us

Showbiz

Aktres na si Ara Mina, ikinasal na sa kaniyang nobyong si Dave Almarinez sa mala-Crazy Rich Asian na wedding celebration!

Published

on

Si Hazel Pascual Reyes-Almarinez o mas nakilala natin bilang si Ara Mina 42 taong gulang na aktres, singer, endorser, at entreprenyur. Siya ay panganay sa siyam na magkakapatid.

Photo credit: Ara mina Channel youtube

Noon pa man ay hinahangaan na siya ng marami dahil sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan. Sa ngayon ay malayo na talaga ang kaniyang narating dahil sa naging matagumpay na rin ang kaniyang mga negosyo.

Photo credit: Ara mina Channel youtube

Nakarelasyon niya noon ang pulitko na si Patrick Meneses at nabiyayaan sila ng isang anak. Siya si Amanda Gabrielle Meneses.

Photo credit: Ara mina Channel youtube

Hindi man naging magtagumpay ang kanilang relasyon ay nanatili pa rin silang magkaibigan para sa kapakanan ng kanilang anak. At ngayon nga ay masayang masaya na si Ara dahil sa wakas ay natagpuan na niya ang tunay na pag-ibig sa katauhan ni Dave Almarinez.

Nito lamang Hunyo 30 ay ikinasal na ang aktres sa businessman na si Dave. Naganap ang enggrande nilang kasal sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel na matatagpuan sa Baguio City.

Photo credit: Ara mina Channel youtube

Sa gitna ng pandemya ay talagang natupad ang pangarap ng aktres na napakagandang kasal na dinaluhan ng kaniyang malalapit na mga kaibigan at kamag-anak. Magmula sa mga pre-nup photoshoots, sa napakagandang wedding gown, hanggang sa enggrande wedding reception ay talaga namang walang tulak kabigin ang publiko.

Photo credit: Ara mina Channel youtube

Marami din ang kinilig sa kanilang wedding vows para sa isa’t-isa. Ayon kay Ara ay hindi naman niya talaga hinangad na magkaroon ng nobyo noon dahil sa nais niya talagang mag-focus sa kaniyang negosyo at lalo na sa kaniyang unica hija.

Ngunit dahil sa pagiging simple, responsable, at mapagmahal niya ay talagang nahulog na rin ang loob niya rito. Sa ngayon ay masayang masaya siya dahil sa “worth the effort wait” talaga ang kaniyang mister na si Dave.

Samantala, umaapaw din ang kagalakan sa puso ni Dave dahil sa wakas ay magsisimula na ang “forever” nilang dalawa ng aktres. Nangako din siyang itataguyod, mamahalin at susuportahan niya ang kaniyang kabiyak na si Ara habang buhay.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media