Connect with us

Showbiz

Yoga pose ng engaged couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, inulan ng maraming mga memes na talagang kinagiliwan ng publiko!

Published

on

Laganap nang talaga ang paggamit natin ng mga social media platform ngayon kumpara nang mga nagdaang taon. Hindi na nga maipagkakaila na mas marami ang dumipende ngayon sa social media upang malibang sa gitna ng pandemya.

Isa na marahil sa ating mga pinagkakaabalahan online ang pagsilip sa mga ginagawa ng ating mga paboritong personalidad. Tulad na lamang ng mga sikat na artista, singer, beauty queen at maging ng mga pulitiko.

Kamakailan lamang ay naging mainit na usap-usapan ang mga larawang ibinabahagi ng newly-engaged couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Sa latest post nila ay makikitang hinahalikan nila ang isa’t-isa habang nakahiga si Derek at naka-yoga pose.


Labis itong kinagiliwan ng mga netizens at umani ng maraming mga komento mula sa publiko. Nagkaroon din ito ng sari-saring mga memes na hanggang ngayon ay patuloy pa rin na nadadagdagan.

Sa ilang mga memes ay makikitang tila ginawang mga gagambang nagsasabong ang magkasintahan na tila tumutulay sa isang lubid. Nagmistula rin silang bola na ibinalibag ng isang kalohok sa “America’s Got Talent”.

Mayroon din silang larawan kung saan ginawa silang bola sa larong basketball, anghel na lumilipad sa kalangitan, at marami pang iba. Wala pang reaksyon ang dalawa sa mga larawan o mga memes na ito na kumakalat online.

Tunay nga na naging mabilis ang proseso ng relasyon nina Derek at Ellen na binabatikos ng karamihan ngunit ayon naman sa kanilang mga tagahanga ay mukha namang tunay ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. Kung kaya naman mas mabuti na rin na maging masaya na lamang tayo para sa kanilang dalawa.

Dahil nagmula man sila sa magkakaibang mga relasyon noon, nangangarap din sila na lumagay sa tahimik kasama ang mga taong talagang minamahal at pinapahalagahan nila. Sa ngayon ay mas marami pang mga netizens ang sumusubaybay sa mga posts nila online at maging sa nalalapit nilang pagpapakasal.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media