Connect with us

Showbiz

Vice Ganda tinalikuran ang pag-iinom at paninigarilyo, maging ang paggimik gabi gabi para sa kaniyang nobyong si Ion Perez

Published

on

Hindi na lingid sa publiko ang naging simula ng pagkakamabutihan nina Vice Ganda at Ion Perez. Si Vice Ganda ay isang kilalang host, komedyante at negosyante. Isa siya sa pinakamatagumpay at pinakamayaman na artista ngayon sa bansa.

Photo credit: Vice Ganda instagram

Si Ion Perez naman ay isang modelo at isang pageant titleholder. Siya ay mula sa Concepcion, Tarlac at una nang nakilala abilang Mister Universe Tourism.

Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa likas na mabait at magalang ito. Hindi na rin nakapagtatakang naging malapit na kaibigan at kalaunan ay naging karelasyon na niya ang It’s Showtime host na si Vice Ganda.

Hindi kailan man naging hadlang ang kanilang estado, ang kanilang edad o ang kanilang pisikal na hitsura upang hindi nila mahalin ng wagas ang isa’t-isa. Sa ngayon ay magtatatlong-taon na ang relasyon nilang dalawa ngunit mas nagiging matatag pa sila sa paglipas ng panahon.

Photo credit: Vice Ganda instagram

Maaalalang nakapanayam na noon ni Ogie Diaz, dating manager ni Vice Ganda, ang batikang komedyante at dito niya ibinahagi ang tungkol sa kanila ni Ion. Pahayag ni Vice, si Ion daw ang nagpapakalma sa kaniya at nagbibigay kasiyahan sa kaniyang buhay kung kaya naman araw-araw niyang ipinagpapasalamat sa Diyos ang pagkakataon na makasama si Ion.

“Ang saya ng puso ko. Masaya kami ni Ion. Masaya ako kay Ion. Masaya ako sa relationship namin and every day I say thank you to God. ‘Ang bait mo binigyan mo ako ng ganito.’ Paano kung wala ‘to?’” Pahayag ng “The Unkaboggable Star”.

Dahil din daw sa pagmamahal niya kay Ion ay iniwasan na niya ng tuluyan ang pag-iinom, paninigarilyo at maging ang paggimik. Para sa kaniya ay sapat nang nagtatrabaho siya at nakakasama si Ion pagkatapos ng nakakapagod niyang araw.

Photo credit: Vice Ganda instagram

“Dati di ba gabi-gabi nga rampa ako ng rampa, so tinalikuran ko ‘yun. Pati paninigarilyo ko tinalikuran ko. Pag-inom, hindi na rin ako umiinom di ba? Hindi na ako gumi-gimik. Si Ion lang sapat na, totoo ‘yun. Sapat na ako kay Ion na nagtatrabaho ako nandiyan si Ion nakikita ko siya, okay na ako, hindi na ako rarampa,” Dagdag pa ni Vice.

Ayon pa kay Vice ay talagang iniingatan niya ang relasyon nilang ito. Hangga’t maaari ay hindi niya hinahayaan na mayroong makasira ng kanilang magandang pagsasamahan.

Bagamat nakakaranas din naman sila ng tampuhan at hindi pagkakaunawaan kung minsan ngunit agad din naman nila itong naaayos.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media