Connect with us

Viral

Ukranian couple na nagpaposas ng 123 na araw upang maisalba ang kanilang relasyon, pinatanggal na ito at nagdesisyon na tuluyan nang tapusin ang kanilang pagsasama!

Published

on

Marami na tayong naririnig patungkol sa mga bagay na posible nating magawa dahil sa labis na pagmamahal. Mabuti man ito o masama ay hindi na natin alitana madalas dahil sa mas nakapokus tayo sa pag-ibig na ating nararamdaman.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang isang Ukranian couple na ito dahil sa desisyon nilang magpaposas para lamang maisalba pa ang kanilang relasyon na nagbabadya nang masira. On and off kasi ang kanilang relasyon kung kaya naman ginawa nilang magpaposas sa pagbabakasakaling maisalba pa ang kanilang pag-iibigan.

Ngunit makalipas lamang ang 123 na mga araw o mahigit apat na buwan ay ipinatanggal na nila ang posas nila ng tuluyan at nagdesisyong tuldukan na ang kanilang relasyon. Ang magkasintahan ay nakilala bilang sina Alexandr Kudlay at Viktoria Pustovitova.
Araw ng mga Puso noon nang sila ay magpaposas at kamakailan lamang ay tinapos na nila ito. Kung noon ay magkasama silang namimili sa grocery o di kaya naman ay nanigarilyo, maging sa paggamit ng banyo at pagligo ay nagsasalitan din sila, ngayon ay malaya na nilang magagawa ang kanilang mga nais gawin.

Ayon naman kay Viktoria na una nang tumutol sa pagpapaposas nilang dalawa ay marahil leksyon na rin ito para sa kanila at sa iba pang mga magkarelasyon. Dagdag pa niya ay na-miss daw talaga niya ang “personal space” sa ilang buwan na nakaposas silang dalawa sa isa’t-isa.

Gayundin naman mas napatunayan daw niya at mas naramdaman na hindi talaga siya binibigyan ng atensyon ng kaniyang nobyo. Nais sana ng 29 na taong gulang na beautician na palagi siyang sabihan ang kaniyang kasintahan ng “I Miss You” ngunit hindi ito nangyari kahit kailan.

Para naman sa 33 taong gulang na si Alexandr na isang salesman ay marahil nga na magkaiba talaga silang dalawa at hindi magkatulad ang kanilang pang-unawa at opinyon sa mga bagay-bagay. Plano ng dalawa na ibenta sa isang online auction ang kanilang mga posas at i-donate ang bahagi nito sa mapipili nilang charity.

Sumikat ang magkasintahan online kung saan marami ang naging tagasubaybay nila mula nang simulan nilang iposas ang isa’t-isa.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media