Connect with us

Showbiz

“Timeless beauty” kung ilarawan si Lucy Torres-Gomez ng mga netizens matapos makita ang mga larawan nilang mag-asawa sa kanilang beach vacation!

Published

on

Madalas na nating marinig sa mga nakakatanda na ang tunay na kagandahan ay nasa mismong taong nagtataglay nito. Maaaring mayroon tayong kaniya-kaniyang kahulugan natin pagdating sa kagandahan, marami din naman ang klase ng kagandahang mayroon ang isang tao.

Isa na marahil sa mga hinahangaan ng marami sa atin ang mga aktor at aktres na madalas nating mapanuod sa harap ng kamera. Dahil sa kalikasan ng kanilang trabaho ay kailangan talaga nilang alagaan ang kanilang katawan, kalusugan, at lalo’t higit ang kanilang mukha.

Ito ang kanilang puhunan sa industriyang kanilang kinabibilangan. Sa kasamaang-palad, ang pisikal na hitsura at ang kagandahan nating taglay ay lumipas din kung kaya naman maraming mga bituin ang nawawalan na rin ng ningning kalaunan.

Sa dinami-rami ang mga sikat na artistang nakikilala natin taon-taon, tila mayroong talagang mga taong nabiyayaan ng mala-Diyosang kagandahan. Madalas nga rin silang tawagin na mga “bampira” dahil animo’y hindi sila tumatanda!

Kahit pa ilang dekada na ang lumipas ay talagang mababanaag mo pa din sa kanila ang pambihira nilang kagandahan. Isa na marahil sa mga ito ang aktres at pulitiko na si Lucy Torres-Gomez. Sa edad na 46 taong gulang ay talagang dalagang dalaga pa rin ang kaniyang hitsura.

Tila ba parang hindi talaga siya tumatanda. Kamakailan lamang ay napansin ng mga netizens ang naging bakasyon nilang mag-asawa sa isang beach.

Talaga namang lumulutang ang pambihirang kagandahan ni Lucy. Napakasweet din ng mga larawan nilang mag-asawa at makikitang nag-eenjoy talaga sila sa kanilang bakasyon.

Taong 1998 pa nang ikasal ang dalawa ngunit tulad ng angking kagandahan ng aktres ay mas lalo pang gumaganda at nagniningning ang kanilang buhay nang magkasama. Nabiyaan na rin ng isang anak ang kanilang pagsasama, walang iba kundi ang 20 taong gulang na si Juliana Marie Beatriz T. Gomez.

Tulad ng kaniyang mga magulang ay marami din ang nakikitaan siya ng talento at kagandahang pasok sa industriyang kinabibilangan ng kaniyang mga magulang noon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media