Connect with us

Viral

Tim Sawyer, sinabing hindi sila magkaparehas ni Rob Moya at ipinagtanggol ito sa isang live video!

Published

on

Sa buhay, madalas ay makakaranas tayo ng maraming mga pagsubok at problema ngunit hindi ito nagiging dahilan upang sumuko tayong mga Pilipino. Kahit ano pang hirap yan ay talagang nagagawan pa rin natin ng paraan na maging masaya at maging mas matatag.

Hjndi lamang para sa atin kundi maging para sa ating sariling pamilya. Maging ang mga iniidolo nating artista ay madalas ding dumadaan sa ganitong mga pangyayari sa buhay.

Tulad na lamang halimbawa ng mga usap-usapan tungkol sa alitan ng mga kilalang personalidad na sina Tim Sawyer at China Roces. Kamakailan lamang ay napanuod ng marami ang live video ni Tim kung saan nakita rin ang isa pang kilalang personalidad na si Rob Moya.

Ayon sa ilang mga ulat ay nailabas na ang “Arrest Warrant” noong May 27 para sa vlogger. Dahil dito ay naglabas din ng sama ng loob at hinaing si Tim sa publiko.

Nang marami ang nakapansin na katabi niya si Rob ay nagsalita rin ito at ipinagtanggol ang huli.
“Nagkakilala kami ni Rob, kasagsagan ng issue ni Rob.”

Maalalang nagkaroon din ng kontrobersiya sa pagitan ni Toni Fowler at Rob Moya na dati nang magkarelasyon. Nilinaw din niyang si China talaga ang kaibigan noon ni Rob at hindi siya.

Nagkakilala lamang silang dalawa sa pamamagitan ng dati niyang karelasyon.
“Actually guys, si Rob, di ko kaibigan si Rob. Hindi talaga kami magkakilala, ito ang totoo. Hindi kami magkakilala ni Rob. Ang totoong kaibigan ni Rob, si China, yung ex ko. Sila ang mag-tropa, hindi ako,” Pahayag ni Tim.

Dumipensa din si Tim na hindi raw sila parehong “playboy” ni Rob at hindi rin daw ito babaero. “Kaming mga lalaki, kaya ayaw naming magsalita kasi kahit ano pang sabihin namin dito, babae pa rin ang mananalo dito.” Dagdag pa niya.

Sinabi din niyang sa kabila ng mga pangyayairng ito ngayon ay mahal na mahal pa rin niya ang kaniyang anak sa dati niyang karelasyon.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media