Connect with us

Showbiz

Sila pala ang mga sikat na artista noon na nagawang iwanan ang showbiz upang manirahan sa ibang bansa kasama ang kanilang pamilya!

Published

on

Hindi madali ang buhay ng isang artista ngunit kasabay nito ang tagumpay nila sa kanilang karera at sa kanilang buhay. Narito ang ilan sa mga sikat na artista noon na iniwanan ang showbiz para mamuhay ng tahimik sa ibang bansa kasama ang kanilang mga pamilya.

  1. NANCY CASTIGLIONE – Si Nancy ay dating aktres at modelo na ngayon ay naninirahan na sa Canada kasama ang sarili niyang pamilya. Isa na rin siyang manager ng Sharp Insurance.
  2. CAROL BANAWA – Ang dating sikat na singer naman noon na si Carol ay isa nang registered nurse sa Amerika. Masaya na siya ngayon sa kaniyang tahimik na buhay kasama ang kaniyang asawang si Ryan Crisostomo at ang dalawa nilang anak na sina Chelsea at River.
  3. BETH TAMAYO – Kasal na ang aktres na si Beth Tamayo sa kaniyang nobyong si Adam Hutchinson at sa edad na 43 ay nananabik na silang makilala ang kanilang panganay na anak.
  4. CINDY KURLETO – Sa Austria na nakatira ngayon ang aktres at modelong si Cindy kasama ang kaniyang partner at kanilang mga anak.
  5. KRISTA RANILLO – nagdesisyon siyang iwanan ang showbiz dahil sa nais niyang makapagtapos ng Law. Sa ngayon ay masaya na siyang naninirahan sa ibang bansa kasama ang kaniyang asawa at limang mga anak.
  6. JOYCE JIMENEZ – Ang “Pantasya ng Bayan” na si Joyce ay masaya na ngayon sa Amerika kasama ang kaniyang mister na isang Filipino-American US Airforce Officer at ang tatlo nilang anak.
  7. G TOENGI – Isa na ngayong TV producer sa US si G Toengi. Naninirahan siya sa Amerika kasama ang kaniyang asawa at dalawa nilang anak.
  8. ANJANETTE ABAYARI – Ayon sa ilang mga ulat engaged na sa isang Pastor ang dating aktres na gumanap bilang Darna. Mayroon na rin siyang dalawang anak na kasama niyang naninirahan sa California.
  9. KIM DELOS SANTOS – Isa nang ganap na nurse si Kim sa Jersey, USA.
  10. SERENA DALRYMPLE – Isa na siyang corporate professional sa isang sikat na media company sa New York.

Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media