Connect with us

Showbiz

Sanya Lopez, inalala ang panahong naghahati pa sila sa isang pancit canton at P4.00 na tsokolate ng kaniyang kapatid na si Jak Roberto!

Published

on

Si Shaira Lenn Osuna Roberto o mas nakilala natin bilang si Sanya Lopez ay 24 na taong gulang na aktres at modelo. Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan.

Hindi naman maipagkakailang isa siya sa mga celebrity ngayon na mayroong magandang mukha at pambihirang talento. Ilan sa mga sikat na leading man niya ngayon ay walang iba kundi ang matinee idol na si Gabby Concepcion at ang batikang aktor na si Bong Revilla.

Talaga namanag malayo na ang nararating ni Sanya ngayon. Ito ay bunga ng kaniyang pagpapagal at pagtitiyaga sa trabaho. Kamakailan lamang ay nakapanayam siya ni Butch Francisco sa “ThisIsShowbiz” kung saan ibinahagi ng aktres ang mga naging karanasan nila noon ng kaniyang kuya na si Jak Roberto.

Namulat sa isang mahirap na pamilya ang magkapatid kung kaya naman hanggang sa ngayon ay isinasabuhay pa rin nila ang mga magagandang kaugalian na kinalakihan nila. Ayon kay Sanya ay madalas na maghahati sila ng kaniyang kuya sa isang pancit canton lamang.

Gayundin naman ang isang chocolate drink noon na nagkakahalaga ng P4.00 ay pinaghahatian din nila. Nakakatuwang malaman na talagang close na close ang dalawang noon pa man.

Nagsisilbi silang inspirasyon hindi lamang sa mga kapwa nila artista kundi maging sa bawat pamilyang Pilipino, lalo na sa mga magkakapatid. Dagdag pa ni Sanya, ang mga karanasan nilang ito noong sila ay bata pa ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nakatapak pa rin ang kanilang mga paa sa lupa.


Bagamat kabilang na sila ngayon sa pinakasikat na mga artista sa telebisyon ay nananatili pa rin silang simple at mapagpakumbaba. Hindi lamang gwapo at maganda ang magkapatid na ito dahil talagang napalaki sila ng maayos ng kanilang mga magulang.

Ayon nga sa mga netizens, hindi lahat ng mga artista at hindi lahat ng magkakapatid ay tulad nina Sanya at Jak kung kaya naman talagang dapat silang hangaan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media