Connect with us

Showbiz

Sample King Jhong Hilario, masayang ibinahagi ang simpleng selebrasyon ng ikalawang buwang gulang ng kaniyang anak na si Baby Sarina.

Published

on

Ang pagkakaroon ng anak ay talagang napakagandang biyaya mula sa Diyos. Maaaring mahirap sa simula ngunit talagang ito ang magbubuklod sa pagmamahal ng ama at ina ng isang pamilya.

Photo credit: Jhonghilario instagram

Para naman sa mga magulang ay tiyak na mas magiging responsable sila dahil sa mayroon nang buhay na nakadepende at umaasa sa kanila. Kamakailan lamang ay marami ang natuwa dahil sa mga larawang ibinahagi ni Jhong Hilario sa kaniyang social media account.

Photo credit: Jhonghilario instagram

Marso 27, 2021 kasi ng isilang ng kaniyang partner na si Maia Azores ang kanilang munting anghel na si Baby Sarina. Hindi makapaniwala ang aktor na sa wakas ay ganap na siyang isang ama.

Aminado siyang mahirap ang lahat sa simula dahil sa wala rin naman silang kasambahay sa ngayon ngunit palagi siyang may lakas upang tulungan ang kaniyang mag-ina sa araw-araw. Hands-on daddy nga ngayon si Jhong at hindi na muna siya makikita sa It’s Showtime.

Photo credit: Jhonghilario instagram

Nagdiwang na si Baby Sarina ng kaniyang ikalawang buwan kung kaya naman excited ang kaniyang mga magulang na suotan siya ng kaniyang napakagandang bistida. Mayroon din siyang puti na headband sa kaniyang ulo.

Marami ang natuwa sa mga posts na ito ni Jhong dahil kahit gaano pa siya kaabala sa pagiging isang pulitiko ay nagagawa pa niyang gawin lahat para sa kaniyang mag-ina. Hindi lamang siya isang mahusay na aktor dahil isa rin siyang huwarang ama para sa maraming kalalakihan.

Napakapalad nina Maia at ng kanilang prinsesa dahil sa kaniya. Tiyak na kahit gaano man kahirap ang buhay ay magiging masaya ang bawat sandaling magkasama sila lalo na kung pag-ibig ang nasa gitna nilang mag-anak.

Photo credit: Jhonghilario instagram

Si Virgilio Viernes Hilario Jr., o mas nakilala natin bilang si Jhong Hilario ay 44 taong gulang na aktor, mananayaw, at pulitiko. Isa siya sa mga miyembro ng dating dance group na “Streetboys”. Sa ngayon ay isa siyang konsehal sa unang distrito ng Makati mula pa noong taong 2016.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media