Connect with us

Showbiz

Pauleen Luna, masayang masaya sa naging resulta ng kaniyang “balik-alindog program” dahil sa nakamit na niya ang kaniyang pre-baby body!

Published

on

Si Marie Pauleen Javier Luna-Sotto o mas nakilala nang publiko bilang si Pauleen Luna ay 32 taong gulang na host at aktres. Madalas siyang mapanuod sa “Eat Bulaga!” at talaga namanga napakahusay niyang host.

Nakilala rin siya ng publiko bilang si Baby Poleng na napaka-cute ngunit pasaway kung minsan. Taogn 2016 nang ikasal siya sa kaniyang “longtime boyfriend” na si Vic Sotto na ngayon ay 67 taong gulang na.

Malaki man ang agwat ng kanilang edad ay hindi ito naging hadlang upanga hindi sila magmahalan ng totoo at kalaunan nga ay magpakasal. Sa ilang taong pagsasama nila ay isinilang ni Pauleen ang panganay nilang si Tali. “Proud parents” din naman sina Pauleen at Vic sa kanilang unica hija na si Tali.


Halos tatlong taon na rin si Tali kung kaya naman mas nagagawa na rin niyanga magpursige na makapagbawas ng timbang. Maraming mga kababaihan at mga ina ang makapagpapatunay na hindi ito madali.

Sa halip kasi na alagaan ang kanilang katawan ay aasikasuhin na lamang nila ang kanilang pamilya. Ngunit para sa aktres at host na si Pauleen, nais niya talagang alagaan ang kaniyang sarili para mas tumagal pa ang kaniyang buhay.

Nais niya rin kasing pagsilbihan at alagaan pa ng matagal ang kaniyang pamilya. Nang mayroong isang basher na nagsalita ng hindi maganda sa kaniya ay sinabi na lamang niya na hindi siya nagbabawas ng timbang para sa atensyon ng kaniyang asawa o di kaya naman ay sa atensiyon ng kahit sino.

Dahil sa maraming mga tao ang sumusuporta sa kaniyang ngayon ay mas marami pa ang sumusuporta sa kanila ngayon. Wala na ring pagsidlan ng kaligayahan si Pauleen ng malaman na marami din palang mga kababaihan ang tulad niya.

Dapat din daw silang matuto sa buhay sa sarili nilang pamamaraan at kung nais nilang magtrabaho ay hindi rin daw sila dapat madaling manghusga sa kapwa..


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.