Connect with us

Viral

Netizen nakaisip ng paraan upang magawang pool ang bakanteng bahagi ng kaniyang likod-bahay, hindi na niya kakailanganin pang pumunta ng resort!

Published

on

Panahon na naman ng tag-init kung kaya naman kaniya-kaniya na tayo ng paraan kung paano natin mapapanatiling presko at komportable ang ating mga sarili. Marami ding mga magulang ang nag-aalala para sa kanilang mga anak dahil sa tuwing tag-init ay nauuso rin ang mga sakit tulad na lamang ng sipon at ubo.

Hindi ito maganda lalo na sa mga sanggol at sa mga bata kung kaya naman nag-iinvest talaga ang mga magulang sa mga “inverter” at “energy-efficient” na air conditioning unit at iba pang mga appliances. Talaga namang gastos kung gastos talaga para lang maging komportable ang buong pamilya.

Kamakailan lamang ay napukaw ng netizen na ito ang atensyon ng mga netizens dahil sa naging transpormasyon ng kaniyang bakanteng likod-bahay. Tamang tama kasi sa panahon ng tag-init ang kaniyang naisip na DIY pool.

Nagbahagi siya ng mga larawan nito mula sa paglilinis ng bahaging ito ng kaniyang bahay. Hanggang sa unti-unti itong nabuo at natapos. Naging napakaganda naman ng kinalabasan ng kaniyang DIY pool.

Aakalain mong ikaw ay nasa isang resort, ngunit nasa likod-bahay ka lang naman talaga. Sa panahon ngayon, lalo na at panahon pa rin ng pandemya ay nakakatuwang makita na maraming mga tao ang sumusubok na gumawa ng ilang mga bagay na hindi mo naman talaga kailangang maglabas ng malaking halaga ng salapi.

Talaga namang natuwa rin ang netizen na si John Diomil Ibarola dahil sa magandang kinalabasan ng kaniyang DIY pool. Samantala, mayroon namang ilang mga netizens na nagsasabing hindi swimming pool ang dapat na tinawag dito ng isang TV reporter kundi dipping pool.

Mas marami pang mga netizens ang nag-react at nagkomento sa mga pahayag na ito. Ngunit wala pa ring makahihigit sa naging matagumpay na resulta nito na nagsilbi ring inspirasyon sa maraming mga pamilya lalo na ngayong panahon ng pandemya at panahon ng tag-init.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media