Connect with us

Showbiz

Namangha ang mga netizens sa napakagandang 2-storey house na ito ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna sa Laguna

Published

on

Isa na marahil sa pinapangarap ng mga taong nais magsimula ng sarili nilang pamilya ang makapagpakasal at makapagpundar ng sarili nilang tahanan. Bagamat hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapagpundar kaagad ng maayos na bahay, marami pa rin ang talagang nagsusumikap na makamit din nila ito balang-araw.

Sa ngayon ay nagsisilbi munang inspirasyon ang maraming mga mag-asawang nakapagpundar na ng kanilang mga pangarap na bahay o “dream house”. Tulad na lamang ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna.

Talaga namang napakaganda ng kanilang bahay sa Laguna na mayroong dalawang palapag. Kasama nila rito ang kanilang anak na si Baby Tali na talaga namang bibong bibo rin.

Ayon sa ilang mga ulat ay hinayaan ni Bossing Vic Sotto ang kaniyang misis na maging hands-on sa pagpapatayo ng bahay nilang ito. Hindi naman nagkamali si Bossing sa pagtitiwala sa kaniyang may bahay dahil sa naging napakaganda naman ng resulta nito.


Katuwang ni Pauleen ang kanilanga architect at professional designer upang makamit ang kanilang dream house. Sa labas pa lamang ay talagang mamangha ka na dahil sa napakaelegante nitong tingnan at napakalawak talaga.

Sa loob naman ng kanilang tahanan ay mapapansin ang napakalinis at napakaaliwalas na kapaligiran. Napaka-relaxing at “homey” ng kanilang living area.

Mayroon itong contemporary design at makikita din nito ang obra ni Anastacio Pefaranda Austria. Mayroon din silang entertainment console at sa isang shelf naman matatagpuan ang ilan sa mga awards na kanilang natanggap.

Sa kanilang dining area naman matatagpuan anag isang narra dining table na nabili nila sa isang local maker. Kumpleto rin sa appliances ang parte ng bahay nilang ito.

Sa ikalawang palapag naman ang kanilang mga silid tulugan. Mayroong dalawang “guest rooms” rito na mayroon ding mga sariling banyo bawat silid.

Mayroon din naman silang lanai area na madalas ay lugar kung saan din sila nagba-bonding na pamilya. Mayroon din silang swimming pool na hindi bababa sa 10 ft. ang lalim.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media