Connect with us

Showbiz

Nakakagulat na transpormasyon ni Lie Reposposa paglabas niya ng PBB house, nagpabilib sa kaniyang mga tagahanga!

Published

on

Si Lie Reposposa ang isa sa mga nakilalang personalidad sa “Bahay ni Kuya” ng simulan ang Pinoy Big Brother Otso. Marami ang nainis sa kaniya noong una dahil sa diumano’y panggagaya nito kay Maymay Entrata. “Overacting” daw madalas si Lei kung kaya naman marami ang hindi natutuwa sa kaniya.


Ngunit kalaunan ay marami na rin ang natuwa at nagustuhan si Lei dahil sa pagiging simple, natural, at masayahin nito. Siya ang tinaguriang “Teenig ng Tawanan ng Davao”.

Kamakailan lamang ay ginulat niya ang marami niyang tagahanga at tagasuporta dahil sa kaniyang nakakabilib na transpormasyon. Ayon kasi sa ilang mga larawan na kumakalat, gayundin sa ilang mga artikulo, ay kakaibang ganda ang mayroon ngayon si Lie.


Mas kuminis at pumuti daw kasi siya ngayon. Tila nagawa niya ring pababain ang kaniyang timbang.

Nagpalagay na rin siya ng braces na mas nagpabago pa sa kaniyang hitsura. Hindi tulad ng kaniyang mga nakasama sa loob ng PBB house na nagpokus sa kanilang pag-arte, mas ginusto naman ni Lie na ipagpatuloy ang kaniyang pag-awit.


Bago pa man kasi siya sumabak sa loob ng “Bahay ni Kuya” ay talagang sumasali na siya sa mga singing contest at maging sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime ay nagpamalas na rin siya ng kaniyang talento. Sinong mag-aakala na ang dating hinuhusgahan ng marami ay mas hinahangaan na sa ngayon?

Tunay nga na walang imposible kung gusto mo talagang maging mas maganda ang iyong kinabukasan. Marami sa mga tagasuporta ni Lie ang nagsasabing tiyak na magiging magtagumpay na siya ngayon dahil sa ginagawa niyang pag-aalaga sa kaniyang sarili.


Kung kaya naman para maabot natin ang ating mga pangarap, sikapin nating mahalin muna at pahalagahan ang ating sarili dahil tiyak na magkakaroon din ito ng mabuting maidudulot para sa atin lalo na para sa ating mga pangarap sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media