Connect with us

Showbiz

Mga sikat na celebrity couples noon na nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon dahil sa “third party”!

Published

on

Napakasaklap at talagang nakakagalit madalas kung makakarinig at makakabalita tayo ng mga mag-asawa o magkarelasyong naghiwalay dahil lamang sa ibang lalaki o babae. Nakakalungkot ding isipin na makakayang ipagpalit ng isang tao ang kaniyang asawa o kasintahan sa kabila ng mga pagsubok na kanilang napagtagumpayan at mga panahong lumipas nang magkasama. Sa ngayon ay tampok sa artikulong ito ang mga kilalang celebrity couples noon na nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon dahil diumano sa “third party”, kilalanin natin sila:

SUNSHINE DIZON AT TIMOTHY TAN


Taong 2016 nang magulat ang publiko dahil sa balitang hiwalayan ng mahusay na aktres na si Sunshine Dizon at ng kaniyang mister. Hindi naman nagdalawang-isip ang aktres na pangalan ang babaeng naging dahilan ng kanilang paghihiwalayan. Nagsampa ng kaso si Sunshine sa kaniyang mister at sa babae nito ngunit nagpasya din siyang iatras ang kaso kalaunan.

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON


Isa sa naging pinakasikat na love team noon ang tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson. Ang kanilang pagtitinginan ay nagsimula dahil sa kanilang tambalan hanggang sa naging opisyal na ang kanilang relasyon. Ngunit nauwi rin ang lahat sa hiwalayan dahil na rin diumano sa ibang babae. Ayon din sa naging pahayag noon kay Kim, alam daw niya ang pakiramdam na niloko ng boyfriend dahil marahil ay naranasan niya ito mismo.

MARTIN NIEVERA AT POPS FERNANDEZ


Kinagiliwan din ng maraming mga Pilipino ang on and off-screen love team nina Pops Fernandez at Martin Nievera. Nauwi rin sa kasalan ang kanilang pag-iibigan ngunit makalipas ang 13 taon ay nag-file ng annulment si Pops dahil diumano sa pagtataksil ng kaniyang mister. Nang sumunod na taon ay agad din naman itong na-aprubahan. Nanatili rin silang magulang sa kanilang dalawang anak kahit na hiwalay na sila. Sa ngayon ay mabuting magkaibigan na ang dalawa at madalas pa ngang magsama sa ilang mga concert events.

CIARA SOTTO AT JOJO OCONER


Hindi rin makapaniwala ang publiko nang aminin ni Ciara Sotto na hiwalay na sila ng kaniyang mister noon na si Jojo Oconer. Mayroon silang isang anak na pinangalanan nila bilang si Crixus. Kinumpirma ng aktres na third party nga ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Tumira muna si Ciara sa bahay ng kaniyang mga magulang na sina Helen Gamboa at Tito Sotto matapos ng naging paghihiwalay nilang mag-asawa.

NIKKI GIL AT BILLY CRAWFORD


Halos 5 taon din ang tinagal ng relasyon nina Nikki Gil at Billy Crawford. Inakala nga ng kanilang mga tagahanga na sa kasal na rin ang tuloy ng dalawa ngunit napabalita na lamang ang kanilang paghihiwalay. Ayon sa isang magazine interview noon kay Nikki, nagkaroon daw ng ibang babae si Billy. Mayroong bulong-bulungan na si Coleen Garcia ang naging dahilan ng paghihiwalay nila noon. Sa ngayon ay mag-asawa na sina Coleen at Billy at mayroon na din silang isang anak. Habang si Nikki naman ay masaya na rin sa kanilang pamilya kasama ang kaniyang asawang si BJ Albert at mga anak.

SUNSHINE CRUZ AT CESAR MONTANO


Ang 13 taong relasyon ng mag-asawang Sunshine at Cesar ay nauwi rin sa paghihiwalayan. Ayon sa ilang mga ulat noon, na-link ang aktor kay Krista Miller na pinatotohanan naman ni Sunshine dahil sa diumano ay nagpapadala tio ng mga seksing larawan sa kaniyang mister. Mariin naman itong itinanggi naman ito ni Krista. Sa ngayon ay mayroon nang sariling pamilya si Cesar habang masaya na rin naman si Sunshine sa kaniyang boyfriend na si Mackie Mathay na tumatayo na ring ama sa tatlo nilang anak na babae.

DONITA ROSE AT ERIC VILLARAMA


Ang 12 taon na pagsasama nina Donita at Eric ay nagwakas dahil pagkakaroon nito ng ibang babae. Inamin mismo ito ni Eric noong taong 2016.

DAWN ZULUETA AT RICHARD GOMEZ


Marami ding naging tagahanga at tagasuporta sina Richard at Dawn. Dekada ’90 nang maging magkasintahan sila ayon sa ilang mga ulat ngunit ang kanilang on and off-screen romance ay nauwi rin sa hiwalayan dahil diumano sa “third party”.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media