Connect with us

Showbiz

Kristine Hermosa, wala pa ring kupas ang mala-Diyosang kagandahan sa edad na 37!

Published

on

Iba ang gandang Pilipina kung kaya naman hindi na nakapagtatakang maraming mga dayuhan ang napapamahal at nagpapakasal sa mga Pilipina. Hindi lamang kasi pisikal na kagandahan ang mayroon sila kundi talagang maalaga at maasikaso rin sa pamilya, ilan sa mga katangian na gugustuhin mong taglayin ng iyong mapapangasawa.

Photo credit: @khsotto on instagram

Isa na yata sa pinakamagandang Pinay ngayon ang aktres na si Kristine Hermosa, walang kupas ang angking kagandahan ng aktres kahit pa nga sa ngayon ay 37 taong gulang na siya. Ang hitsura niya noong dalaga pa siya at nagsisimula pa lamang siya showbiz at ganoon pa rin naman at talagang walang pinagbago.

Photo credit: @khsotto on instagram

Marami pa nga sa kaniyang mga tagahanga ang nagsasabing mas lalo pa siyang gumaganda. Kamakailan lamang ay napansin ng maraming mga netizens ang post niya habang siya ay nasa beach.

Talaga namang napakakinis at napakaganda niya kahit pa nakasuot siya ng salamin ng mga oras na iyon, suot ang kaniyang itim na swimsuit. Maraming mga netizens ang hindi nagpaawat na magkomento at magbigay ng kanilang mga reaksyon dahil sa paghanga nila sa aktres.

Photo credit: @khsotto on instagram

Ilan sa mga sikat na personalidad din naman tulad nian Mariel Padilla, Bea Alonzo, at Dianne Medina ang nagkomento sa post na ito ng aktres. Sa ngayon ay hindi na siya masyadong gumagawa ng mga proyekto dahil sa pinagtutuunan niya talaga ng atensyon ang pamilya nila ng kaniyang mister na si Oyo Boy Sotto.

Ngunit paminsan-minsan din naman ay tumatanggap rin siya ng mga “supporting roles”. Masaya at kuntentong-kuntento na siya ngayon kapiling ang kaniyang pamilya at sa bagong “baby boy” na nasa kaniyang sinapupunan.

Photo credit: @khsotto on instagram

Nasasabik na ang kaniyang mister at kanilang mga anak na sina Kiel, Ondrea, Kaleb, at Marvic na makilala at masilayan ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. Sa ngayon nga, “blooming na blooming” pa rin ang pregnant mommy na si Kristine at kitang-kita ito sa kaniyang mga posts online.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media