Connect with us

Showbiz

Julia Montes, mas blooming at fresh ngayon ayon sa mga netizens matapos niyang lumabas sa isang video!

Published

on

Si Mara Hautea Schnittka o mas nakilala natin bilang si Julia Montes ay 26 na taong gulang na aktres, modelo at endorser. Siya ay itinuturing na isa sa pinakamahuhusay na aktres ng kaniyang henerasyon.

Siya ay half-Filipina at half-German. Bata pa lamang siya ay nakikita na siya sa ilang mga programa sa telebisyon tulad na lamang halimbawa ng “Goin’ Bulilit”. Talaga namang natural na lamang sa kaniya ang pagiging isang mahusay na aktres at modelo.

Hindi lamang siya maganda dahil sa napanatunayan na rin niya na mayroon siyang pambihirang talento sa pag-arte. Mula noon ay unti-unti nang nadagdagan ang kaniyang mga proyekto at mas lalo pa siyang nakilala ng publiko.

Sa industriya ng showbiz ay hindi maiiwasan ang napakaraming mga isyu sa mga artista. Minsan na siyang naugnay kay Coco Martin.
Ayon sa ilang mga ulat ay nagkaroon ng anak ang dalawa na inilihim nila mismo ang pagbubuntis at pagsisilang ng aktres. Ngunit hanggang sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang magkabilang panig ukol dito.

Taong 2018 nang huling mapanuod si Julia sa ABS-CBN network. Kasama niya sa proyekto niyang ito sina Shaina Magdayao, Aljur Abrenica at Paolo Avelino.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Avignon Clinic (@avignonclinic)

Pagkatapos nito ay hindi na siya muli pang nasilayan ng kaniyang mga tagahanga. Ngunit dahil na rin sa laganap na ang social media sa panahon natin ngayon ay tila ba wala nang maililihim pa sa publiko.

Madalas kasing napapansin ng mga netizens ang mga post ng aktres sa kaniyang social media account kung kaya naman “updated” din ang mga ito. Kamakailan lamang ay napansin nila ang pagiging blooming at fresh-looking ng aktres.

Sa kabila ng mga usap-usapan na isa na ngang ganap na ina si Julia ay talagang hindi pa rin nawawala ang angkin niyang kagandahan at kaseksihan. Kung kaya naman maraming mga fans niya ang talagang nasasabik nang muli siyang makita sa harap ng kamera at gumawa ng mga teleserye at pelikula.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media