Connect with us

Showbiz

Judy Ann Santos-Agoncillo, ibinahagi kung paano niya pahalagahan ang kaniyang mga empleyado sa gitna ng pandemya!

Published

on

Si Judy Anne Lumagui Santos-Agoncillo o mas nakilala natin bilang si Judy Ann Santos ay 43 taong gulang na aktres, host, recording artist, film producer, author, at restaurateur. Marami ang humahanga sa kaniya noon pa man dahil sa pambihirang husay niya sa pag-arte, bida man o kontra-bida ang kaniyang karakter.

Photo credit: Judy ann santos-agoncillo instagram

Isa na siya marahil sa pinakamatagumpay na aktres ng kaniyang henerasyon at ngayon nga ay isa na rin siyang successful entrepreneur. Tulad ng ilang mga negosyante sa panahon ngayon ay talagang nahirapan din siya dahil sa “food business” ang kaniyang kabuhayan.

Photo credit: Judy ann santos-agoncillo instagram

Talagang naapektuhan ito ng pandemya ngunit hindi niya hinayaan na maapektuhan ang kaniyang mga empleyado. Batid niya kasi na sa panahon na ito ay napakahirap na walang trabaho.

Hindi lamang para sa kaniyang mga empleyado kundi lalo na sa kanilang mga pamilyang umaasa sa kanila. Noong Mayo 24 ay nakapanayam ni G3 San Diego ang batikang aktres sa kaniyang Instagram Live kung saan nagbahagi siya kung paano nila nagawang lagpasan ang napakahirap na yugtong ito ng kanilang buhay.

Photo credit: Judy ann santos-agoncillo instagram

Ayon kay Juday, ang mister niyang si Ryan mismo ang nakaisip ng ideyang magbenta sila ng mga pagkain online. Ito ay nadiskubre ng Eat Bulaga! host sa segment nilang “Bawal Judgemental” kung saan ang mga manggagawang apektado ng pandemya ay nakaisip pa rin ng ibang paraan upang maka-survive sa gitna ng pandemya.

Photo credit: Judy ann santos-agoncillo instagram

Dahil dito ay nagsimula silang magbenta ng mga pagkain online na siyang nakatulong sa kanilang negosyo. Para kay Juday, hindi na mahalaga pa ang malaking kita ng kaniyang negosyo basta’t mayroong trabaho ang kaniyang mga empleyado at mayroon isilang kaunting kita na nagiging pambabayad ng kanilang mga pangunahing pangangailangan sa pagluluto ay ayos na sa kaniya.

Mayroon din siyang YouTube Channel na “Judy Ann’s Kitchen” kung saan tampok niya ang ilang mga masasarap na putahe na siya mismo ang nagluluto. Hindi lamang mahusay na aktres si Juday dahil sa mayroon din siyang puso para sa kaniyang mga empleyado.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media