Connect with us

Showbiz

John Lloyd Cruz naging emosyonal matapos siyang yakapin at halikan ng kaniyang anak na si Elias Modesto!

Published

on

Ang pagiging isang magulang ay hindi madali kailanman. Sa oras na maging isang magulang ka na ay dapat ka nang maging mas disiplinado at mas responsable kumpara dati.

Maraming mga Pilipino ang nagsasabi na talagang malaki ang nagiging pagbabago nila sa kanilang sarili sa oras na maging ganap na silang mga magulang. Dahil sa mayroon nang bagong nilalang na nakadepende sa iyo kung kaya naman talagang magpupursige ka rin ng husto.

Kamakailan lamang ay nakapukaw sa atensyon ng publiko ang ilang mga larawan at video na ito ng mag-amang John Lloyd Cruz at Elias Modesto. Si Elias ang anak ni John Lloyd sa aktres at modelong si Ellen Adarna.

Bagamat hindi naging matagumpay ang kanilang relasyon ay nananatili pa rin silang magkatuwang bilang ama at ina sa kanilang anak. Nasa co-parenting status ngayon ang dalawa na talaga namang hinahangaan din ng publiko.

Itong si Elias ay talaga namang napaka-cute at manang-mana sa kaniyang mga magulang. Marami din ang nakapansin sa taglay niyang mga katangian tulad na lamang ng pagiging malambing nito at mapagmahal.


Nang minsang magkita pa nga sina John Lloyd at Elias ay naging emosyonal siya nang sa halip na makipag-high 5 sa kaniya ang anak ay agad itong yumakap at humalik sa kaniya. Tunay nga na hindi man pangkaraniwan ang kanilang set-up ay naroon pa rin ang wagas na pagmamahal ang isang anak sa kaniyang ama at gayundin naman ang ama sa kaniyang anak.

Maraming mga netizens din ang hindi napigilang maging emosyonal nang makita ang mga larawan at video na ito nang mag-ama. Nakatitiyak ang marami na lalaki nang mabuting tao, masiyahin at mapagmahal si Elias dahil sa punong-puno ito ng pag-ibig mula sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

Sa ngayon ay masaya na rin naman ang ina ni Elias na si Ellen dahil sa malapit na rin silang ikasal ng kaniyang nobyong si Derek Ramsay. Mas madaragdagan pa ang mga taong magmamahal kay Elias.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media