Connect with us

Showbiz

John Lloyd Cruz at Andrea Torres, kumpirmadong magtatambal na sa isang sitcom sa GMA-7!

Published

on

Marami ang nakaramdam ng “excitement” nang mapabalita ang pagbabalik ni John Lloyd Cruz sa harap ng kamera. May halos tatlong taon din siyang nabakante dahil sa nagdesisyon siyang mamahinga muna mula sa kabi-kabilang mga proyekto noon.

Nagkaroon din siya ng pagkakataon upang maging isang mabuting ama sa anak nila ni Ellen Adarna na si Elias Modesto. Hindi na bago sa publiko ang usapin patungkol sa “whirlwind romance” nina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Ilang linggo pa lamang kasi buhat nang maghiwalay sina Andrea Torres, dating nobya ni Derek, ay napabalita na ang kanilang pagkakamabutihan. Talagang naging malapit sila sa isa’t-isa dahil madalas makita si Ellen sa bahay ni Derek.

Mariin namang itinanggi ng dalawa ang tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Hanggang makalipas pa ang ilang linggo ay lantaran na nila itong isinapubliko.

Makalipas pa ang ilang araw ay inalok na ni Derek ng kasal si Ellen. Labis na ikinabigla ito ng publiko at nakatanggap ng sari-saring komento, reaksyon, at panghuhusga.

Dahil dito ay marami na ang nag-aabang sa magiging reaksyon ng dati nilang nakarelasyon na sina John Lloyd at Andrea. Mas umugong pa ang usap-usapan na magkakaroon ng proyekto ang dalawa sa Kapuso Network.

Nakumpirma ito nang ianunsiyo mismo ng sikat na host na si Willie Revillame ang pagbabalik ng aktor sa telebisyon. Nakapagpaalam na din diumano ang host sa ABS-CBN President Carlo Katigbak at pumayag naman ito.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng talent agency ni Maja Salvador ang matinee idol at hearthrob na si John Lloyd Cruz. Ano nga kaya ang magiging epekto ng pagtatambalan nilang ito sa kanilang karera at sa mga taong minsan nilang minahal?

Mayroon kayang mabubuo na matamis na pagtitinginan o di kaya naman at magiging malapit na magkaibigan ang dalawa? Tiyak na excited na rin kayong mapanuod muli si Popoy/Romeo sa harap ng telebisyon makalipas ang ilang taon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media