Connect with us

Showbiz

Ivana Alawi, nalungkot nang husto nang ma-ospital ang kaniyang kapatid na si Mona dahil sa sakit nito!

Published

on

Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas nakilala natin sa screen name niyang Ivana Alawi, ay 24 na taong gulang na Filipino-Moroccan actress, model, at YouTuber. Sa ngayon ay marami na siyang tagahanga at tagasuporta at umabot na rin sa higit 13.2 milyon ang kaniyang mga subscribers sa kaniyang YouTube channel.

Marami ang humahanga at nagmamahal kay Ivana at sa buo niyang pamilya dahil sa kabila ng tagumpay na tinatamasa nila ngayon ay nananatili pa rin silang mapagmahal at “solid” sa isa’t-isa. Kamakailan lamang ay itinampok ni Ivana sa kaniyang vlog ang kaniyang kapatid na si Mona at kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kaniya.

Kasabay ng kanilang “mukbang” ay sasagutin din ng magkapatid ang tanong sa kanila ng ilang mga netizens online. Hindi mapigilang maluha ni Ivana nang ibahagi na ni Mona ang kalagayanng kaniyang kalusugan.

Noon pa man ay mayroon nang Type One Diabetes si Mona at nang mga nagdaang linggo ay talagang kinailangan niyang magpa-ospital upang masuri at ma-monitor ang kaniyang blood sugar level. Kung dati rati daw na nasa 300 hanggang 400 ang kaniyang sugar level, ngayon ay nasa 90 hanggang 140 na lamang ito.

Buti na lamang ay nakabili na sila ng device na ginagamit ngayon ni Mona. Pagkukwento pa ni Mona, nakaranas siya ng nerve damage noon dahil sa kaniyang karamdaman.

Hindi pa siya “fully recovered” at kasalukuyan pang sumasailalim sa gamutan ngunit sigurado si Mona na magiging maayos din ang lahat. Kahit pa nga kakailanganin ng mahabang panahon para sa kaniyang magiging gamutan.

Kapansin-pansin sa vlog ni Ivana kung gaano sila kalapit ni Mona kung kaya naman talagang apektado siya ng husto sa naranasan ng kaniyang kapatid dahil sa kaniyang sakit. Sa ngayon ay mabuti na ang kalagayan ni Mona at kailangan na lamang na mas maging maingat sila lalo na sa mga pagkain at inumin ni Mona.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media