Connect with us

Viral

Isang single mom, kumikita na ngayon ng Php50,000 kada araw sa kaniyang chicken business buhat nang magpandemya!

Published

on

Naging napakahirap nang mga nagdaan na taon para sa ating mga Pilipino. Hindi lamang dahil sa kahirapan, mababang sweldo at walang humpay na pagtaas ng mga pangunahing pangangailangan natin, ngunit dahil na rin sa pandemyang ating naranasan mahigit isang taon na rin ang nakararaan.

Marami ang lubhang naapektuhan. Hindi mabilang ang mga negosyong kinailangang magsara at mga manggagawa na nawalan ng kanilang mga trabaho.

Sa kabila ng mahirap na sitwasyong ito ay mayroon pa ring iilan na mga Pilipinong nagsumikap ng husto at hindi sumuko. Tulad na lamang ni Minda Nacario mula sa Quezon City.

Bago kumalat ng husto ang pandemya sa bansa ay mayroon siyang “printing business” ngunit napilitan siyang isara ito dahil na rin sa epekto ng pandemya. Dahil dito ay nawalan siya ng trabaho kasabay pa nang pag-iwan sa kaniya ng kaniyang mister.


Mag-isa na lamang niyang binubuhay ang kaniyang anak. Humantong na rin sa masakit na pangyayari para sa isang ina na wala siyang pambili ng diaper o gatas man lang ng kaniyang anak.

Tanging asukal lamang ang pinakain niya sa kaniyang anak ng mga panahong iyon kung kaya naman talagang nangako siya sa kaniyang sarili at sinabing gagawin niya ang lahat upang makapaghanap ng trabaho o kahit anong mapagkakakitaan. Nang magkaroon siya ng Php2,500 na puhunan ay nagsimula siyang magbenta ng manok online.

Mas napalago niya ito nang maibentahan siyang magbenta rin sa “Fresh Market on Wheels” sa kanilang lugar. Mula sa maliit niyang puhunan noon ay kumikita na siya ngayon ng Php50,000 kada araw sa kaniyang chicken business.

Sa ngayon ay mayroon na rin siyang tatlong pwesto at nakapagpatayo na ng sarili niyang storage para sa kaniyang mga paninda. Makalipas ang tatlong buwan ay nakapagpundar na rin siya ng dalawang mga sasakyan at nakakatulong pa sa kaniyang mga kamag-anak.

Talaga namang nakakamangha ang naging tagumpay na ito ni Minda.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media