Connect with us

Viral

Isang motorcycle enthusiast, hindi nagdalawang-isip na ibenta ang mamahalin niyang helmet upang matulungan ang 10 taong gulang na batang si Reymark Mariano!

Published

on

Maraming mga Pilipino ang labis na naantig sa kwento ng batang si Reymark Mariano mula sa Mindanao. Sa murang edad kasi ay naranasan na niyang magbanat ng buto para sa kaniyang mga lolo at lola na siyang nagpalaki sa kaniya.

Photo credit: jerickmitra87 Facebook

Mayroon na kasing sariling pamilya ang kaniyang ina kung kaya naman ang kaniyang mga lolo at lola na ang nagpalaki sa kaniya. Upang makatulong sa kanila at sa kaniyang ama.

Sinong mag-aakala na sa murang kaisipan niya ay tumimo na rito kung gaano kahirap ang kanilang buhay? At wala siyang inasahan noon kundi ang kaniyang sarili.

Photo credit: jerickmitra87 Facebook

Buhat nang maitampok ang kaniyang buhay sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ay nagsimula nang bumuhos ang napakaraming biyaya para sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Isa na marahil ang motorcycle enthusiast na si Jerick Mitra sa mga taong nais tumulong sa bata.

Photo credit: jerickmitra87 Facebook

Ibinenta lang naman niya ang kaniyang mamahaling helmet sa halagang Php12,950 at sinabing lahat ng kikitain dito ay mapupuntang lahat kay Reymark. Nakarating nga sa bata ang kaniyang tulong at walang pagsadlan ng tuwa ang batang si Reymark.

Bagamat hindi sila magka-ano ano ay talagang nagnais si Jerick at ang marami pa nating mga kababayan upang matulungan pang lalo si Reymark. Umani rin ng maraming papuri mula sa publiko ang ginawang ito ni Jerick, hindi din lahat ng mga tao ay magagawang makatulong kay Reymark.

Tunay nga na hindi na siya magpapakapagod pang magpastol ng kaniyang kabayo para lamang makatulong sa kaniyang pamilya. Dahil sa naging simpleng paglabas niya lamang sa isang programa ay nagbukas na agad ito ng maraming oportunidad at pag-asa para sa kaniya at sa buo niyang pamilya.

Isang patunay lamang ito na hanggang mayroon tayong buhay ay tiyak na magkakaroon din tayo ng pag-asa. Kung kaya naman huwag natin kalilimutang gumawa ng mabuti sa ating kapwa kahit na walang mga matang nakatigin.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media