Connect with us

Viral

Isang lalaki ang lumikha ng replica ng “Noah’s Ark” mula sa bibliya at talaga namang napakaganda ng naging resulta!

Published

on

Maraming mga Kristiyano ang talagang nagbabasa at gumagamit ng Bibliya. Naniniwala kasi silang sa pamamagitan nito ay nangungusap sa kanila ang Diyos.

Photo credit: Ark of Noah via BuzzNick

Marami din ang ginagawang gabay ang mga kwento at mga aral sa bibliya upang makapamuhay sila ng naaayon sa kalooban ng Diyos. Hindi na nga nakapagtataka na mayroong isang lalaki na nagnais gumawa ng replica ng “Noah’s Ark” na nasa bibliya mismo.

Photo credit: Ark of Noah via BuzzNick

Ayon sa artikulong mula sa BuzzNick ay nagmula sa “The Netherlands: ang lalaking lumikha ng replica ng naturang arko. Ilang taon din niyang ginawa ang arkong ito kung kaya naman nang matapos ito ay talaga namang kamamanghaan at kabibiliban mo.

Photo credit: Ark of Noah via BuzzNick

Bagamat isang replica ay ginawang napakalapit ng mga sukat nito sa nakatala sa bibliya. Mayroon itong eksaktong sukat na 410 feet long, 95 feet wide, at mayroong timbang na 2,500 tons. Ang lalaking lumikha nito ay walang iba kundi si Johan Huibers.

Ayon sa ilang mga ulat ay napanaginipan niya diumano ito kung kaya naman napagdesisyunan niyang gawin na ito sa totoong buhay. Ang pagpapagawa sa arko ay inabot ng halos $1.6 milyon. Maraming nagkaroon ng interes na bisitahin ang nakakamanghang lugar.

Photo credit: Ark of Noah via BuzzNick

Mayroong limang palapag ang arko at mayroon ding 75-feet na “chamber” o silid. Nakakabilib din na mayroong sariling restawran ang arko. Hindi rin nakaligtaan ni Johan na lagyan ng mga larawang inukit ang kaniyang arko.

Kung mayroong mga dalawang pares ng hayop sa bibliya, hindi naman niya hinayaang hindi ito magkaroon ng mga inukit na larawan ng mga hayop tulad na lamang ng elepante at buwaya. Mayroon din siyang plano na malibot ang kalahati ng mundo lulan ng kaniyang napakalaking arko.

Photo credit: Ark of Noah via BuzzNick

Tunay nga na walang imposible sa isang tao lalo na kung gagawa siya ang paraan upang maisakatuparan ang isang bagay na matagal na niyang minimithi sa kaniyang buhay. Kung kaya naman patuloy tayong magsumikat dahil sa tiyak na makakamit din natin ang tagumpay na nararapat sa atin.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.