Connect with us

Viral

Isang guro na nag-breast feed sa isang sanggol, hinangaan ng maraming mga netizens!

Published

on

Ang pagiging guro ay isa sa pinakamarangal na trabaho sa bansa. Sa kabila ng pagiging mahirap na propesyon nito ay talagang nagagawa pa rin ng marami sa ating mga kababayan ang makapagtapos at makapagpatuloy sa pagiging isang guro.

Sa gitna ng pandemya ay mas lalong nahirapan ang ating mga guro dahil na rin sa limitadong mga paraan upang makapagturo sila ng maayos sa kanilang mga estudyante. Maliban sa paglinang at paghubog sa mga kabataan na pag-asa ng bayan ay mayroon pang mga kabutihang nagagawa ang mga guro.

Tulad na lamang ng guro na nakilala bilang si Ma’am Mae Uayan Prisco-Tagarao. Maraming mga netizens ang talagang humanga at bumilib sa kaniya dahil sa hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ang sanggol na nakita niya at ng kasamahan niyang guro sa isang kilalang “convenience store”.


Mayroon silang nakita na mag-inang pulubi at talagang nahabag sila sa sitwasyon ng mga ito lalo na sanggol na halatang gutom na gutom. Ang guro ay agad na nag-breast feed sa sanggol na talaga namang nasa nakakaawang kalagayan.

Tunay nga na napakalaking biyaya sa isang ina ang mabigyan ng sapat na nutrisyon ang kaniyang anak. Ngunit hindi rin ito magawa ng ina ng sanggol dahil sa maging siya ay wala ring makain.

Sinabayan pa ng pandemya kung saan talagang mas naging mahirap ang pamumuhay ng marami sa atin. Ayon din sa post ng netizen na si Ihrine Orbita ay hindi natin dapat husgahan ang mga taong ito, bagkus ay dapat natin silang tulungan sa abot ng ating makakaya.

Hindi naman kailangan na maging isang mayaman o magkaroon ng maraming pera para lamang makatulong sa mga taong ito. Kahit na simpleng makakain lamang o inumin, maging ilang mga diaper at gatas ay magiging napakalaking tulong na para sa kanila.

Sa panahon natin ngayon, bagamat lahat tayo ay maraming mga kinakaharap na pagsubok at kahirapan ay marami pa rin ang nagsisikap na makatulong sa kanilang kapwa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media