Connect with us

Viral

Isang crew ng kilalang fast-food chain, naging emosyonal nang mabasa ang iniwang mensahe ng isang kostumer sa kanilang tisyu!

Published

on

Ilang buwan pa lamang ang nakararaan nang maging kontrobersiyal at mainit na usap-usapan sa social media at maging sa balita sa telebisyon ang naging fried towel ng Jollibee. Taong 1978 nang maitatag ni Tony Tan Caktiong ang “multinational chain” na ito.

Napakarami na nitong branches sa iba’t-ibang panig ng mundo. Sa mahigit na 43 taon ay talagang kinilala ng maraming mga Pilipino ang masasarap na pagkain at hindi matatawarangserbisyo ng kompanyang ito.

Ngunit nang dahil sa isang pagkakamali lamang ng isa sa kanilang mga crew ay talagang inulan ng panghuhusga at batikos ang minsang naging bahagi ng ating kabataan. Marami ang tumuligsa at marami din naman ang nagtanggol sa kompanyang ito nagsasabing hindi naman tama na dungisan ng husto ang pangalan nila dahil lamang sa isang pagkakamali.


Sa kabila ng malaking kontrobersiyang ito at mas maraming mga Pilipino ang tumangkilik at nagtiwala sa kompanyang ito. Kung ating matatandaan ay minsan nang may nagbahagi ng isang nakakabilib na kwento ng isang kostumer na nagsulat ng isang nakakaantig na mensahe sa isang tisyu.

Natagpuan naman ng isang crew na nakilala bilang si Mark Noguera ang isinulat niyang ito at agad na ipinakita sa kaniyang mga managers. Nakuhanan niya din ito ng larawan at ibinahagi sa social media.

Nakalagay sa mensaheng iyon na hindi na muna makakakain ang kostumer ng mga paborito niyang pagkain sa Jollibee. Ito ay dahil nadiskubre ng mga doktor na mayroon siyang Stage 2 kanser kung kaya naman bawal na muna siyang kumain ng mga pagkain dito.

Dalangin din niyang gumaling siya kaagad upang hindi niya masyadong ma-miss ang mga pagkain sa naturang fast-food chain. Tunay nga na maraming mga netizens din ang nahabag at naawa sa kostumer na hindi na nalaman pa ang tunay na pangalan.

Sa kabila ng kaniyang matinding pinagdaraanan ay talagang mararamdaman mo pa rin ang katatagan at pag-asang mayroon siya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media