Connect with us

Viral

Isang ama na pinasok ang iba’t-ibang klase ng trabaho para sa kaniyang pamilya at pag-aaral, ipinagmalaki ng kaniyang kaklase!

Published

on

Marami na tayong narinig na mga kwento ng tagumpay ng ating mga kapwa Pilipino. Sa kabila ng hirap ng buhay ay talagang marami pa rin sa atin ang nagsusumikap at talagang nagpupursige na maabot ang ating mga pangarap.

Kamakailan lamang ay kinabiliban ng publiko ang kaklase ng netizen na ito na ibinahagi niya online. Ayon sa ibinahaging post ng netizen na si Ading Salvane, nasa 3rd year college sila noon nang makilala niya ang kaniyang kaklase na si Jerome Velez.

Ang naging unang pag-uusap nila noon ay nang tanungin siya nito tungkol sa isang activity nila sa eskwelahan. Nahalata niyang mahiyain ito dahil sa madalang itong tumingin ng deretso sa mga mata ng kaniyang kausap at nakayuko din siya habang naglalakad ito sa daan.

Nang magtanong sa kaniya si Jerome ay nanginginig na rin ito, halatang gutom at pagod na. Nagulat siya nang malaman niyang pamilyadong tao na pala ito, mayroong asawa at 4 na mga anak na katulad niya ay mga nag-aaral din.

Nagagawa niyang ipagpatuloy ang kaniyang pagkokolehiyo at ang pagsuporta sa kaniyang pamilya sa kabila ng kahirapan dahil sa pambihirang kasipagan niya. Nagtatrabaho kasi siya bilang isang karpintero, magsasaka, at kung ano ano pang maaari niyang pagkakitaan.

Nagrenta din siya ng isang lupa na kaniyang sinasaka mula umaga hanggang gabi nang walang ibang katuwang kundi siya lamang. Talaga namang mas humanga ang kaklase niyang si Ading kay Jerome.

Sinong mag-aakala na sa kabila ng kahirapan ay magiging posible pa rin pala ang katuparan ng ating mga pangarap? Naging mahirap man para kay Jerome ang panahon ng pandemya dahil sa wala naman siyang gadget na magagamit at maging “internet connection” sa kanilang lugar ay napakahina rin, naisipan na lamang niyang magpasa ng mga modules upang maipagtuloy ang kaniyang pag-aaral.

At ngayon nga ay nakapagtapos na ng kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Financial Management ang masipag na ama at estudyante na si Jerome V. Velez.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media