Connect with us

Viral

Isang 26 taong gulang na babae nagawang maitayo nang mag-isa ang pangarap niyang bahay!

Published

on

Ang pagkakaroon natin ng sarili nating tahanan ang talaga namang isa sa mga maituturing nating tagumpay. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng isanga maayos na tahanan kung kaya naman marami sa atin ang talagang nangangarap na kahit papaano ay makapagpundar tayo ng isang maayos na tahanan.

Image: Zamanzini Philisiwe Zungu/Facebook

Ito rin ang pangarap ng isang 26 na taong gulang na si Zama Philisiwe Zungu. Siya ay mula sa Pietermaritzburg, South Africa. Marami ang humanga sa kaniya dahil sa nagawa niyang magtayo ng isang bahay nang siya lamang mag-isa.

Hindi na niya kinailangan pa ng maraming mga tao upang gumawa sa kaniyang itinatayong bahay. Siya rin ay isang “civil engineer” kung kaya naman talagang makakasigurado siyang maayos at pulido ang magiging resulta ng kaniyang pagpapagal.

Image: Zamanzini Philisiwe Zungu/Facebook

Ilan sa kaniyang mga larawan ang kumalat online at talagang nagpabilib sa maraming mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo. Marami rin ang nabigyan niya ang inspirasyon dahil hindi lamang pala trabaho ng mga kalalakihan ang paggawa at pagtatayo ng bahay.

Pinatunayan niyang kayang-kaya din pala ito ng isang babae. Ayon sa ilang mga ulat, siya ay nakapagtapos ng Civil Engineering sa Umgungundlovu TVET College.

Image: Zamanzini Philisiwe Zungu/Facebook

Bagamat wala pa talaga siyang karanasan sa mga ganitong uri ng trabaho ay naglakas-loob pa rin siyanggawin ito dahil sa naipasa naman niya ang kaniyang mga “practical exams”. Plano din niyang magkaroon ng sarili niyang construction company sa hinaharap dahil sa nais din niyang bigyan ang inpirasyon ang mga kababaihan na gustong magtagumpay sa industriyang ito.

Talaga namang maraming mga netizens ang nagbigay ng kanilang matapat na opinyon patungkol sa kwentong ito. Tiyaka na mas marami pang mga kababaihan ang magagawang mangarap o di kaya naman ay ipagpatuloy ang sinisimulan nilang mga pangarap.

Image: Zamanzini Philisiwe Zungu/Facebook

Natural lamang na mahirap sa una, maaari namang tumigil sandali at magpahinga ngunit sa tunay na laban ng buhay ang tanging kakampi mo lamang na iyong maaasahan ay ang iyong sarili. Kung kaya naman kung pagbubutihan mo at magsisikap kang talaga, walang imposible.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media