Connect with us

Showbiz

Ina Raymundo, masayang ibinahagi sa publiko ang tagumpay ng kaniyang anak na nakapasok sa isang bigating music school sa Amerika!

Published

on

Si Rina Marie Padilla Raymundo o mas hinangaan at nakilala natin bilang si Ina Raymundo ay 45 taong gulanag na aktres, modelo at singer. Marami ang nakakaalala sa kaniya nang una siyang masilayan ng publiko sa commercial noong 1995 nang San Miguel Beer na “Sabado Nights”.

Talaga namang hanggang sa ngayon ay napakaganda at napakaseksi pa rin niya. Isa siya sa may pinakamagandang mukha sa showbiz hanggang sa ngayon sa kabila ng kaniyang edad ay talagang naalagaan niya pa rin ang kaniyang balingkinitang katawan.

Siya ay ikinasal kay Brian Poturnak noong taong 2003. Sa ngayon ay mayroon na siyang limang mga anak. Sina Erika Rae, Jakob, Mikaela Jade, Anika Sage, at Minka Eve.

Talaga namang isa silang larawan ng napakasayang pamilya. Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Ina sa publiko ang isa sa mga naging tagumpay ng kaniyang panganay na anak na si Erika.
“As much as possible I don’t want to brag butmy first born has been accepted to the 2nd most prestigious music school in US, the Berklee Collge of Music! I’m so proud of her!” Pahayag ni Ina sa kaniyang post.

Marami rin ang nagalak at bumati sa aktres. Tunay nga na nakaka-proud sa isang magulang na makita mong unti-unti nang nagtatagumpay ang iyong anak.

Tulad na lamang ng naging tagumpay ni Erika ngayon na sa kabila ng pandemya at maraming mga hindi magagandang bagay na nangyayari sa bansa ay talagang marami pa ring bagay ang dapat nating ipagpasalamat. Marami din naman ang pumuri sa mag-asawag Ina at Brian dahil sa walang sawa nilang suporta at pagmamahal sa kanilang mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rikki🦎🌈 (@erikarae.p)

Hindi lamang kay Erika kundi maging sa apat pa nilang mga anak. Hindi lamang sila inspirasyon pagdating sa pag-aalaga sa ating katawan at kalusugan kundi maging sa pagmamahal at pagbibigay suporta sa ating mga mahal sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media