Connect with us

Showbiz

Heart Evangelista, masayang nagbakasyon sa probinsiya ng Sorsogon kasama ang kaniyang pamilya at mga kaibigan!

Published

on

Masayang ibinahagi ng aktres na si Heart Evangelista ang naging bakasyon nila sa Sorsogon kasama ang kaniyang pamilya at mga kaibigan. Hindi madali ang buhay sa Maynila dahil talaga namang talamak na ang trapiko, kahirapan at marami pang problema rito.

Photo credit: Heart Evangelista Youtube

Kung kaya naman hindi na bago sa ilang mga naninirahan dito ang magbakasyon sa mga kalapit na probinsiya. Ginagawa nila ito upang makapagpahinga at makapag-isip-isip.

Para naman sa aktres na si Heart Evangelista, ilang linggo na rin silang nanatili sa Maynila kung kaya naman napagdesisyunan niyang magbakasyon sa probinsiya ang Sorsogon. Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na ang kaniyang mister na si Francis “Chiz” Escudero ay ang kasalukuyang gobernador ng probinsiya.

Photo credit: Heart Evangelista Youtube

Sa kaniyang YouTube channel ay ibinahagi niya ang ilan sa mga lugar na kaniyang pinuntahan sa maiksi nilang bakasyon. Masayang nag-bonding si Heart at ang kaniyang pamilya sa bahay ng kaniyang ama na si Reynaldo Ongpauco sa Buhatan.

Photo credit: Heart Evangelista Youtube

Kasalukuyan ding nagpapagawa ng bangka ang kanaiyang ama sa Rizal beach. Mayroon ding negosyo ang kaniyang ama na home-made bagoong.

Dagdag pa ng aktres ay hindi ito lasang bagoong kundi lasang “Corned Beef”. Ipinasilip din ni Heart ang naging art contest sa Sorsogon kung saan talagang pinagmasdan niya ang bawat obra na makikita sa kanilang kapitolyo.

Photo credit: Heart Evangelista Youtube

Ginagawa rin ang “Little Rome” sa kanilang probinsiya, ang isang sports complex na may nakakamanghang arkitektura. Proud na proud din naman si Heart sa kaniyang mister dahil sa marami itong nagagawa para sa Sorsogon na itinuring na din talaga nilang tahanan.

Talaga namang nakakamangha na kahit malayo na ang kaniyang narating sa kaniyang karera at hindi maipagkakaila na isa siya sa pinakamayamang artista sa ngayon ay nananatili pa ring nakatapak sa lupa ang kaniyang mga paa. Nagagawa din niya tumulong sa ibang tao at maging sa maraming mga hayop na nangangailangan ng kaniyang tulong.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media