Connect with us

Showbiz

Gwapong prinsipe ng Brunei gustong makilala ng personal ang vlogger at aktres na si Ivana Alawi!

Published

on

Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas nakilala natin bilang si Ivana Alawi ay 24 na taong gulang na aktres, modelo, at YouTuber. Kung noon ay isa rin siya sa mga kabataang nangangarap na maging isang sikat na artista, ngayon ay isa na siya sa pinakasikat at pinakahinahangaang personalidad sa bansa.

Hindi na lingid sa publiko ang naging mga paghihirap niya noon at ng kaniyang pamilya. Hindi lamang sa kanilang personal na buhay kundi maging sa pagsisikap niyang makapasok sa industriya.

Kapatid niya ang child actress na si Mona Louise Rey o si Mona Alawi na ngayon. Maliban kay Mona ay nakilala na rin ng publiko ang iba pang miyembro ng maliit na pamilya ni Ivana, ang kaniyang mga kapatid pa na sina Amira at Hashim, gayundin ang kaniyang ina na siyang sumuporta sa kaniya noon pa man.


Sa ngayon ay mayroon na siyang higit sa 13.2 milyong tagasubaybay sa kaniyang YouTube channel. Dahil rin dito ay mas marami pang proyekto ang ipinagkatiwala sa kaniya.

Dahil sa kaniyang kasikatan ngayon ay hindi na nakapagtatakang marami ang humanga sa kaniya. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang diumano ay pagnanais ng prinsipe ng Brunei na makilala ng personal ang dalaga.

Ang prinsipe ng Brunei na si Prinsipe Abdul Mateen ay ang 29 na taong gulang na anak ni Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei sa dati niyang ikalawang asawa na si Puan Hajah Mariam binti Haji Abdul Aziz. Ang prinsipe ang ikasampung anak ng Sultan at ikaapat na anak na lalaki.

Minsan nang kumalat ang ilang mga larawan ng prinsipe dahil hanggang sa ngayon ay “bachelor” pa ito. Kung kaya naman ng kumalat ang usap-usapan na nais daw nitong makilala ng personal si Ivana ay marami ang agad na napaisip kung papayagan ba ito ng aktres.

Madalas kasing sinasabi ni Ivana na ayaw niya ng mayabang at kung pera lang din naman ang usapan ay hindi rin siya masisilaw rito. Ngunit isang prinsipe na ngayon ang nagpapahiwatig sa kaniya, ano nga kaya ang kaniyang magiging desisyon?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media