Connect with us

Showbiz

Dennis Padilla, namimiss na ang kaniyang mga anak kay Marjorie Barretto ngunit natatakot na ma-reject ng mga ito kung siya’y makikipagkita!

Published

on

Si Dennis Esteban Dominguez Baldivia o mas nakilala natin sa kaniyang screen name na Dennis Padilla ay 59 na taong gulang na komedyante, TV host, radio broadcaster at aktor. Anak siya ng nasirang komedyante na si Dencio Padilla.

Isa rin siyang pulitiko at nagsilbi na bilang konsehal ng Caloocan noong taong 2001. Nagkaroon siya ng tatlong mga anak sa dati niyang asawa na si Marjorie Barretto.

Taong 1997 hanggang 2009 nagtagal ang kanilang relasyon. Ang tatlo nilang mga anak ay sina Julia, Claudia, at Leon Barretto.

Si Daniella Barretto o si Dani ay anak naman ni Marjorie sa dati niyang nobyo na si Kier Legaspi. Ayon sa ilang mga ulat ay hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Dennis at Marjorie kung kaya naman matagal na rin nang huling makasama ni Dennis ang kaniyang mga anak.


Sa naging panayam ni Ogie Diaz sa sikat na komedyante ay nakapagbahagi ito ng kaniyang saloobin bilang isang ama at kung gaano niya kagustong makasamang muli ang mga ito. Inamin din naman ni Dennis na hindi pa niya nagagawang yayain ang kaniyang mga anak sa dating asawa dahil sa talagang natatakot siyang ma-reject ng mga ito.

Matagal na panahon na rin kasi ang nakalipas buhat nang magpakita siya sa mga ito. Marahil ay masama ang loob ng mga ito sa kaniya dahil wala siya nang mga panahong kailangan nila ng isang ama sa kanilang tabi.

Dagdag pa ni Dennis, kung sakali man na papayag ang kaniyang mga anak na makipagkita sa kaniya ay walang problema sa kaniya kung kailangan pa niyang magpa-PCR test para na rin sa kanilang mga kaligtasan. Kamakailan lamang ay humarap siya sa napakatinding pagsubok na talagang inakala niyang mawawala na siya sa mundong ito.

Marami siyang natutunan at marami rin siyang naging reyalisasyon sa buhay. Ninais niyang humingi ng tawad sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga naging karelasyon noon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media