Connect with us

Showbiz

Dating mga child star at teen star noon, ngayon ay kabilang na sa pinakamagagandang aktres sa industriya ng showbiz!

Published

on

Madalas nating subaybayan ang paglaki ng ating mga iniidolo. Narito ang ilan sa mga sikat na child star at teen star noon na talaga namang ubod na ng ganda at seksi sa ngayon!

MAJA SALVADOR


Isa na yata si Maja Salvador sa pinakahinahangaang aktres sa telebisyon. Taong 2003 nang mapukaw niya ang atensyon ni Charo Santos sa The Buzz. Naging bahagi siya ng pelikulang “It Might Be You” na pinagbidahan naman nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Sa ngayon ay hindi lamang siya isang mahusay na aktres, dancer at host dahil sa mayroon na rin siyang sarili niyang talent agency, ang “Crown Artist Management”.

ARCI MUÑOZ


Taong 2005 naman nang sumabak si Arci Muñoz sa reality talent search na Starstruck sa GMA network. Hindi nagtagal ay lumipat siya sa rival network ng GMA at doon ay nabigyan siya ng mas maraming mga proyekto sa pelikula at telebisyon na naging susi upang mas lalo siyang makilala sa industriya ng showbiz.

KIM CHIU


Si Kimberly Sue Yap Chiu naman o mas nakilala natin bilang si Kim Chiu ay 31 taong gulang na aktres at host. Nang sumabak siya sa Pinoy Big Brother noong taong 2006 ay 16 na taong gulang lamang siya. Siya ang tinanghal na Grand Winner at mula noon ay talagang nagsunod-sunod na ang maraming mga proyekto niya sa pelikula at telebisyon.

“Chinita Princess” ang naging taguri sa kaniya ng publiko at ang tambalan nila ni Gerald Anderson ang isa sa pinakasikat na love team noon.

KATHRYN BERNARDO


Si Kathryn Bernardo ay maagang pumasok sa showbiz. Sa murang edad ay nakakakitaan na talaga siya ng pambihirang talento sa pag-arte. Ang unang naging karakter niya noon ay si “Maya” sa Super Inggo. Sa ngayon ay tinagurian na siyang Teen Queen at Queen of Hearts dahil sa napakaraming nakakakilig na proyekto na ang nagawa nila ng kaniyang “on and off screen” partner na si Daniel Padilla.

LOISA ANDALIO


Si Loisa Andalio ay produkto din ng Pinoy Big Brother. Agad siyang nabigyan ng role sa “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita”. Hindi lamang siya isang mahusay na aktres dahil sa mahusay din siyang umawit at sumayaw.

ALEXA ILACAD


Isa rin si Alexa Ilacad sa mga naging matagumpay na Goin’ Bulilit child star. Kung noon ay mga cute at nakakatuwang roles lamang ang kaniyang ginagampanan, ngayon ay mas nabibigyan na siya ng mga role na nababagay sa angkin niyang ganda at kaseksihan. Tunay nga na napakalaki na ng kaniyang pinagbago noon at ngayon. Kaabang-abang din naman ang kaniyang gagampanang role sa “Init sa Magdamag”.

ERICH GONZALES


Si Erika Chryselle Gonzales Gancayco o mas nakilala natin bilang si Erich Gonzales ay 30 taong gulang na aktres at endorser. Malayo na rin ang kaniyang narating buhat nang magwagi siya sa Star Circle Quest. Marami na rin siyang nagawa na mga pelikula at teleserye.

NADINE LUSTRE

Nagawa naman ni Nadine Lustre na gumawa ng sarili niyang pangalan sa industriya ng showbiz. Sa ngayon ay hindi lamang siya isang sikat na aktres at modelo dahil sa isa na rin siyang mahusay na singer ata music video director. Ang tambalan nilang JaDine ang isa sa pinakasikat na love team sa bansa noon.

JULIA BARRETTO


Noon pa man ay marami na ang humahanga sa angking ganda ni Julia Barretto. Bata pa lamang siya ay talagang marami na ang nag-aabang sa kaniyang mga proyekto sa harap at likod ng kamera.

Sa edad na 24 na taong gulang ay marami na rin siyang nagawang pelikula at teleserye. Sa ngayon ay masaya siya sa relasyon nila ng aktor na si Gerald Anderson, 32 taong gulang.

LIZA SOBERANO


Si Hope Elizabeth “Liza” Soberano naman ang isa sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz. Hindi na nakapagtatakang marami ang humahanga at sumusuporta sa kaniya dahil sa angkin niyang kabutihan, kagandahan at pambihirang talento sa pag-arte.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media