Connect with us

Showbiz

Bearwin Meiley, ibinahagi ang mahirap na pagsubok na kaniyang pinagdaanan at kung paano niya ito napagtagumpayan!

Published

on

Marami ang nagsasabing ang pag-aartista ay hindi panghabang-buhay kung kaya naman dapat talagang gumawa ng paraan upang magkaroon ng negosyo at iba pang mapagkakakitaan kung sakaling tumumal na ang industriya. Kamakailan lamang ay kumurot sa puso ng marami ang pagbubunyag ng komedyanteng si Bearwin Meiley tungkol sa mahirap na pagsubok na pinagdaanan nila ng kaniyang pamilya nitong mga nagdaang taon.

Ayon pa kay Bearwin, “Alam mo yung laos ka na, pinag-uusapan ka pa.” Talaga namang napakasakit sa isang artista na masabihan na laos ka na.

Kasabay pa ng pagtumal ng kaniyang mga proyekto ay ang pagkatalo niya sa eleksyon noong taong 2019. Hindi siya pinalad na makapasok sa walong nanalong konsehal dahil sa nasa pang-siyam siyang pwesto.

Dahil sa wala na siyang pinagkakakitaan ay kinailangan din niyang ibenta ang kanilang “dream house”. Naging napakasakit nito para sa kaniya bilang “padre de pamilya” at gayundin naman ang kaniyang maybahay na si Lara.

Naging katuwang din nila sa pagdidisenyo ng kanilang dream house ang dalawa nilang anak. Kung kaya naman talagang napakasakit nito para sa kanila.

Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito ay nanatiling matatag si Bearwin at ang kaniyang pamilya sa tulong at sa biyaya ng Panginoon. Sinong mag-aakala na ang malaking problema nila ay magiging dahilan pala upang mas maging malapit sila sa Diyos at mas mabuo ang kanilang pamilya.

Sa ngayon ay nagrerenta o nangungupahan na lamang sila ngunit mas naging masaya at malapit sila sa isa’t-isa. Sa ngayon ay mayroon na siyang munting negosyo sa Taytay na isang corndog shop.

Masaya siya dahil kahit na mahirap ay talagang nagtutulong-tulong silang pamilya.


“But you know, kapag lumapit ka sa Diyos, hindi kalungkutan yung ibibigay Niya sa iyo. Naiiyak ako, of course. It’s human nature na nalulungkot ako from the past. But where I am right now, it’s a big blessing compared to others. Seeing my family, my kids growing up, napag-aral ko sila nang maayos, sa hirap, sa tiyaga. Naghuhugas ako, nagbebenta ako, nagluluto ako. May mga permit ako. Legal lahat, alam ng Diyos. Kahit kailan hindi nagkulang sa amin ang Diyos.” Pahayag ni Bearwin.

Source: PEP


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media